Chapter 37

1.7K 55 1
                                    

'Leaving My Love Behind'
BY:ATENEO WRITES AND KARYLLE
:
:
✨CHAPTER 37✨
:
:
Deanna's POV
:
Pakatapos naming kumain ay inihatid ko na sya sa bahay nila. Nung una kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng parent nya saakin, nahihiya ako sa ginawa ko at kahit na kaibigan ni mom yung dad nya nakakahiya parin yung ginawa ko kaha hindi parin naaalis saakin sng kabahan. Habang nasa kotse kami hinahawakan nya lang ang isang kamay ko na nangignginig. Sabi nya wag daw akong kabahan kasi ipapaliwanag ko naman daw ang nangyari kaya maiintindihan naman yun ng parents nya. Pero sabi ko nakakahiya parin yung ginawa ko.
Maya maya ay nakarating na kami sa  bahay nila. Nauna syang pumasok sa pinto habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Pag pasok namin ay nakita ko agad ang mom at dad nya na nasa sala at mukhang nag uusap ito.
:
:
Jema: Mom, Dad, Good morning
:
agad na napalingon ang mommy at daddy nya sa kanya. Nang mapansin ako ng mommy nya na nasa likuran nya ay agad ako nitong nginitian kaya ngumiti nalang ako pabalik ng pilit.
:
Jack: bat dika umuwi kagabi? Sabi mo mag didinner lang kayo ni Bea pero umaga kana naka uwi at sino yang nasa likura...
:
Hindi na naituloy ng daddy nya ang sasabihi ng makita ako nito sa likuran niya. Kinabahan ako kasi tinitigan ako nito ng matagal at naputol lang yung titig nya nung nagsalita na si Jema
:
Jema: Dad, alam ko na dapat wala sya dito matapos ang ginawa nya pero andito sya para eexplain yung nangyari.
:
pakatapos sabihin yun ni Jema ay hinila nya ako papunta sa unahan nya para makaharap ko ng maayos ang mga magulang nya.
Pag punta ko sa unahan ay nawalan agad ako ng sasabihin dahil sa mga titig nila saakin
:
"a-andito po a-ko para m-magpaliwanag"
:
nauutal kong sabi sa kanila habang nilalabanan ko ang mga titig nila saakin.
Hinihintay ata nila akong magsalita kaya hindi muna nila ako sinagot. Tumingin ako sa daddy nya dahil alam kong ang daddy nya yung mas nagalit sa ginawa ko.
:
" Sir I-im Sorry sa ginawa ko. Alam ko po na masakit para sa inyo na lumayo ako kay Jema kasi alam ko na mahal na mahal nyo sya. Pero sana pakinggan nyo po yung paliwanag ko."
:
Yumuko ako sa kanila para ipakita ang respeto ko at nag salita ulit ako
:
"Nung nalaman ko po yung sakit nya, inaamin ko po na natakot ako. Natakot ako na baka dumating yung araw na mawala sakin si Jema at maiwan ako mag isa. Natakot ako masaktan at natakot rin ako sa mangyayari sakin. Sorry po kung naging selfish ako sa mga  mararamdaman ko. Sorry po"
:
Yumuko ulit ako sa  kanila. Biglang tumayo ang daddy ni Jema at lumapit saakin. Akala ko sasaktan nya ako kasi bigla nyang tinaas ang kamay nya pero inilagay nya ito sa balikat ko at kinausap ako
:
Jack: Alam ko na ganon yung mararamdaman mo at naiintindihan ka namin kasi ganon rin kami pero tayo yung dapat na andyan sa kanya lalo nat lumalala na ang sitwasyon. Dapat ikaw yung andyan sa kanya kasi alam kong ikaw lang yung makakapag pasaya sa kanya ngayon. Hindi kami galit sayo hindi dahil sa kaibigan ko yung mommy pero dahil sa naiintindihan ka namin. Sana maging malakas ka para sa kanya ngayon kasi ikaw at kami lang yung makakapitan nya
:
:
Pakatapos nyang sabihin yun ay tinapik nya ang balikat ko at umalis sa harapan ko. Pumunta sya sa taas habang ako naman ay nakatayo lang at hindi parin gumagalaw.
Tumayo na rin yung mommy ni Jema at lumapit saakin, bigla nya akong niyakap na hindi ko inaasahan na gagawin nya.
:
Vicky(J.mom): Im so happy na bumalik ka. Im sure na masayang masaya si Jema. Always make her happy hah ikaw lang yung makakagawa sa kanya ng ganon sa ngayon.
:
Hinaplos nya yung likod ko at umalis narin para sundan yung daddy ni Jema sa taas.
Naiwan kami ni Jema sa sala. Hindi parin ako makagalaw at naka tayo lang ako habang inaalala yung mga bagay na sinabi nila saakin
:
Jema: Narinig mo yun? Always make me happy daw
:
Natauhan ako ng biglangag salita si Jema at niyakap nya ako mula sa likuran.
Napangiti nalang ako at hinawakan ko yung kamay nya na naka pulupot sa beywang ko.
:
"Oo gagawin ko yun araw-araw, minu-minuto at kada segundo"
:
sagot ko sa kanya at bigla akong humarap.
:
Jema: uuwi kana ba? Or mag s-stay ka muna dito ng ilang minuto?
:
"kailangan ko na kasing umuwi eh may gagawin pa kasi ako for school pero pramis pupunta ako dito bukas susunduin kita"
:
:
bigla syang nalungkot sa sinabi ko at inalis nya yung pag kakayakap saakin. Nang tatalikod na sana sya sakin para pumunta sa kwarto nya nang bigla kong hinawakan ang kamay nya at niyakap sya sa likuran
:
"uy, kailangan ko kasing tapusin yun eh dalawang buwan nalang gagraduate na ako kaya kailangan kong tapusin lahat ng requirements"
:
Jema: okay lang pupunta ka naman dito bukas diba?
:
"oo pupunta ako dito promise, sorry ah"
:
humarap sya saakin at inalis nya ang kamay ko sa pag kakayakap sa kanya. Hinalikan nya  ako at sabay sabing...
:
Jema: babalik ka naman
:
Napangiti nalang ako sa kanya. Sinasabi nya na papasok na daw sya sa kwarto nya para mag bihis kaya pwede na daw akong umuwi kung gusto ko kaya pag punta nya sa taas ay agad narin akong lumabas sa bahay nila at pumasok sa kotse ko para umuwi na.
Kailangan ko pang tapusin yung isang requirements ko sa Isang subject. Dalawang buwan nalang graduate na ako at magiging  ganap na architect na ako kaya kailangan ko ng mapasa lahat ng pinapagawa nila on time.
Pag uwi ko sa bahay ay agad ko ng ginawa ang gagawin ko. Hindi ko sinayang ang oras ko sa ibang bagay kundi dun lang.
Medyo mahirap kasi last na to naipapagawa saamin kaya naka focus lang ako dun at hindi ako nag online para walang maka istorbo saakin. Inubos ko ang buong mag hapon ko para gawin ang requirements nayun at buti nalang ay natapos ko na rin at sa ibang subject naman ang tatapusin ko sa mga susunod na araw.
:
:
Pag katapos kong gawin yun ay pumasok na ako sa kwarto ko para maka pag pahinga. Hindi ko na naisipang kumain dahil sa pagod at tulog lang ang gusto ng katawan ko.
Naisipan ko na ring buksan ang phone ko para tignan kung nag message ba saakin si Jema at pag bukas ko ay agad bumungad saakin bagay na naka pag pangiti saakin
:
:
*thru text
:
[Do it well love] 9:38 am
[Nahihirapan kaba?] 9:45 am
[Kung nag aaral sana ako edi sana matutulungan kita] 9:53 am
[I miss you na :´< ] 10: 00 am
[Reply ka nalang sakin kung tapos ka na ha! I love you <3 ] 10:30 am
[Di ka ba tapos? Kanina pa kita inaantay] 10:45am
[Kakain na kami kumain kana rin bago mo ulit simulan yung ginagawa mo Muah!] 11:30 am
[Alam kong busy ka pero di mo ako namimiss? Di ka pa kasi nag rereply eh] 1:00 pm
[Hey I miss you so bad! Mah reply kana please!]
[Matutulog muna ako. Mag reply kana lang or tumawag] 2:46 pm
[Okay natulog ako na wala kang reply ngayon gumising ako na wala parin] 6:28 pm
[ Alam ko na busy ka but no matter how busy you are if you really care, you will always find the time for someone!] 7:00 pm
[Sige di na kita aantayin. Matutulog na ako bumawi ka nalang bukas! I love you!] 9:00pm
:
:
mga text nya sakin na sunod sunod na nag send sa cellphone ko. Inaantay nya talaga ako simula kaninang umaga. Naka airplane mode kasi yung phone ko kaya di ko na tinignan pero babawi nalang ako sa kanya bukas.
Bago ako matulog ay nireplyan ko muna sya para naman pag gising nya ay hindi na sya magalit at pakatapos nun ay humiga na ako sa kama at natulog. Bukas ay susunduin ko sya ng maaga dahil may pupuntahan kami at dun kami matutulog. Bukas nalang kasi yung araw na free ako at wala akong gagawin kaya susulitin ko na yun na kasama ko sya. Idadala ko sya sa lugar na dati kaming nakatira at kami lang yung andon bukas kaya solo namin yung lugar.
Diko pa nasasabi sa kanya kung ano yung gagawin namin bukas kaya maaga akong pupunta dun para ipag paalam sya sa parents nya at para maka pag handa pa sya.
:
:
To be continue...

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now