Pakatapos nilang kumain ay nag libot libot muna sila sa paligid para mag hanap ng mga kahoy, yun nalang kasi yung naisipan nilang gawing ilaw mamayang gabi.
Hindi naman sila masyadong lumayo sa Tent nila, madami na kasing tuyong kahoy ang makikita sa gilid gilid.
Pakatapos nilang mag hanap ay inayos na nila ito para mamayang gabi ay sisindihan nalang.
:
*5:30 pm
:
Sinindihan na ni Deanna yung mga kahoy at niyaya na nya si Jema na lumabas ng Tent para mag painit sa apoy.
Inilatag nila yung blanket na dala ni Deanna at kunuha naman ni Jema yung makapal na kumot na dala nya, masyadong malamig na sa labas kaya tamang tama na nag sindi at nag dala sila ng kumot para mainitan ang katawan nila.
Habang nasa labas sila ay kumain narin sila diretso. Binuksan ni Jema yung canned Tuna na dala nya at yung iba pang pag kain na nasa bag nya.
Sabay silang kumakain sa harap ng apoy habang may naka lagay na kumot sa likod nila.
:
:
Deanna: ang dami mong dalang pag kain. Kaya siguro mabigat yung bag mo
:
:
Jema: baka magutom kasi tayo sa daan
:
:
Deanna: prepared (tumawa)
:
:
pakatapos nilang kumain ay nanatili lang muna sila sa labas habang sabay silang naka tingin sa mabutuin na kalangitan at mag kayakap sa isat isa.
Naka sandal si Jema sa balikat ni Deanna habang naka palibot sa kanila ang makapal na kumot, at si Deanna naman ay nakasandal ang ulo sa ulo ni Jema
:
:
Deanna: totoo ba to?
:
:
Agad na inalis ni Deanna ang ulo nya sa ulo ni Jema at tumititig sya kay Jema.
:
:
Jema: ang alin? Yung naka akyat tayo dito?
:
:
Deanna: hindi! Kung totoo ba to?
:
Hindi makuha ni Jema kung ano yung ibig sabihin ni Deanna sa kanya. Kaya sumandal nalang ulit sya at huminga ng malalim.
:
:
Deanna: Jema?
:
Mahinang sambit ni Deanna at tinignan nya si Jema habang nakasandal ito sa balikat nya
:
:
Jema: uhm? (sagot nito habang nakapikit at naka sandal sa balikat ni Deanna)
:
:
Deanna: I love you..
:
Napangiti si Jema ng sabihin yun ni Deanna sa kanya, hindi lang sya umimik at nanatili lang syang naka pikit at naka sandal sa balikat ni Deanna
:
:
Deanna: wala kang sasabihin?
:
:
Seryosong tanong sa kanya ni Deanna.
Natawa sya sa sinabi nito kaya iminulat nya ang mga mata nya at ibinaling ang tingin sa mga mata ni Deanna. Tinitigan nya lang ito habang ang mga tingin nya ay may mga nakalakip na tanong na sarili lang nya ang makakasagot.
:
:
Jema: do you know what's the meaning of I love you?
:
:
Deanna: for me it means saying it to a person u trust and u really love the most.
:
:
sagot sa kanya ni Deana.nag katitigan lang sila ng ilang segundo hanggang sa mag tanong na si Deanna sa kanya
:
:
Deanna: why? Mali ba yun?
:
:
Jema: that's it?
:
kunot noong tanong ni jema sa kanya
:
:
Deanna:oo yun yung meaning ng I love you para sakin. Ikaw, bat di ka nag I love you too? di mo ba ako love?
:
:
"Di mo nga alam totoong meaning ng I love you tapos tatanungin mo ako ng ganyan?" Ani ni Jema sa sarili nya
:
:
napabuntong hininga nalang si Jema sa tanong ni Deanna sa kanya kaya ibinalik nalang nya ulit sa pag kakapatong ang ulo nya sa balikat ni Deanna.
Alam nyang nag hihintay si Deanna sa sagot nya kaya naisipan nyang tanungin ito ng kung anong bagay
:
:
Jema: can i lie?
:
tanong nya at ganon parin ang pwesto nya kay Deanna
:
:
Deanna: huh? Lie saan?
:
hindi alam ni Deanna yung ibig sabihin ni Jema. Kanina pa nya to hindi maunawaan sa mga pinag sasabi sa kanya
:
:
Jema: never mind...
:
:
Sinet- aside nalang ni Deanna ang tanong na yun mula kay Jema at hindi nalang sya nag salita.
Baka kasi napagod lang ito kaya kung ano ano nalang yung tinatanong, niyakap nya nalang si Jema ng mahigpit at hinalikan nya ito sa pisnge at noo.
:
:
Habang si Jema ay naka tulog na sa balikat nya, sya naman ay naka tingin lang sa langit. Patulog nyang pinag mamasdan ang mga butuin at ang buwan na nag bibigay ilaw sa kanila bukod sa apoy na nasa harapan nila.
7: 45 na kaya naisipan na ni Deanna na pumasok na sa Tent, medyo naaabo na kasi yung apoy kaya naisipan na nyang pumasok bago pa ito mawalan ng apoy.
Binuhat nya si Jema papasok at pakatapos nun at pinatay na nya ang apoy para makasigirado, mahirap na baka pag simulan pa ito ng sunog.
:
Pakatapos nun ay pumasok na rin sya at natulog narin na kayakap si Jema.
:
:
Kinabukasan*
:
:
Maagang nagising si Deanna, kailangan nilang bumaba ng maaga para hindi sila maabutan ng matirik na araw sa daan.
Inayos na nya ang mga gamit nila habang mahimbing pa na natutulog si Jema sa loob ng Tent.
Nang maayos na nya ang lahat ay ginising na nya si Jema para makapag handa narin ng sarili nya.
Buti nalang ay nagising agad si Jema kaya dali dali rin nitong inihanda ang bag nya.
Pakatapos nun ay tinupi na nila ang Tent at inilagay na sa bag ni Deanna.
Unti unti ng lumalabas ang araw kaya dali dali na silang bumaba, buti nalang ay hindi na madulas ang daan gaya ng pag akyat nila rito.
Mabilis ang pag lakad nila pababa, pero kailngan nilang mag balanse para hindi sila dirediretso pababa.
Nakaalalay naman si Deanna kay Jema habang sya ay may hawak na kahoy at ang isa nyang kamay ay naka hawak sa kamay ni Jema.
:
:
3 hours lang yun inabot ng marating na nila yung lugar kung saan na nila pinarada yung kotse. Maputik parin banda run kaya dahan dahan na silang nag lakad para hindi lumubog sa putik yung mga sapatos nila
Nang marating na nila ang kotse ni Deanna ay agad na nilang inilagay ang mga gamit nila sa likod. Balak pa sana nilang daanan yung sikat na kainan dun sa lugar pero pareho nang madumi ang damit at sapatos nila.
Pinaandar na ni Deanna ang kotse saka na umalis sa lugar.
Habang nasa byahe sila ay kitang kita sa mata ni Jema na inaantok pa ito kaya sinabi ni Deanna matulog muna sya tutal malayo pa naman yung byahe.
Natulog muna si Jema, napansin rin ni Deanna na medyo namumutla na naman ito kaya binilisan nya ang takbo ng kotse nya para maihatid na agad si Jema sa bahay nito baka kasi mahilo na naman.
Pag karaan ng 45 na minuto, ay narating na nila ang bahay ni Jema kaya agad naring ginising ni Deanna si Jema para sabihin andito na sila
:
:
Deanna: Jema, Jema, andito na tayo sa inyo
:
gising ni Deanna kay Jema at agad naman itong nagising. Kinusot muna ni Jema ang mga mata nya bago bumaba ng kotse.
Kinuha narin ni Deanna ang bag nya sa likod at inihatid sya sa loob ng gate.
:
:
Deanna: pahinga ka hah, namumutla ka na naman kasi (kiss sa noo)
:
:
Jema: ikaw rin. Sige na uwi kana para maka tulog ka narin ng maayos.
:
:
Tatalikod na sana si Deanna ng may bigla syang nakalimutan.
:
Lisa: opps. I love you
:
Tumango lang si jema sa kanya, saka na ito pamusok sa bahay nila.
Nag drive narin si Deanna ng kotse nya saka umuwi, pagod rin kasi sya kaya sana ay may nilutong pagkain sa bahay nila para makakain na rin sya ng diretso.
:
:
to be continue...