Chapter 26

186 12 3
                                    

Nagising si Julia dahil may naramdaman siyang humahaplos sa mukha niya. She slowly opened her eyes and she saw Stellum. Nakangiti ito sa kaniya at agad siyang hinalikan sa noo.



"Good morning, baby. Breakfast is ready."



"What are you doing here?" Julia uttered. Naguguluhan siya kung bakit nandito si Stellum. Dapat ay nasa eroplano na ito dahil ngayon ang flight niya pabalik ng Canada.



"I want to be with you more. So, please, stand up already so we could leave. 'Wag nang maraming tanong. May pupuntahan tayo." Sabi ni Stellum na pinapatayo na siya sa pagkakahiga. Wala nang nagawa si Julia kundi ang sumunod. She sat down on her bed first and hugged Stellum. Hindi man nito sabihin ang totoo, alam niyang hindi tumuloy si Stellum sa flight niya dahil sa kaniya.



Last night, while both of them were on a friendly date, kinuyog sila ng mga reporters dahil diumano sa scandal niya na lumabas pa lang sa internet. Nagulat siya sa sanabi ng mga ito kaya hindi agad siya nakapag-salita. She didn't have any idea what's going on. Ang alam niya lang ay panibagong problema nanaman ito na kakaharapin niya.



She was thankful that Stellum was there dahil niyakap siya nito para mailayo sa mga taong pinagpi-piyestahan ang buhay niya. Nang makauwi sila ni Stellum sa condo niya, sabay nilang tiningnan ang video na sinasabi nila.



Julia Lopez sex tape leaked. That was the title of the video. Stellum held her hand para pakalmahin siya bago nito binuksan ang video. Hanggang sa makita niya ang sarili niya na nakikipagtalik sa isang lalaki. Halos masuka siya sa video na nakita. Kamukhang kamukha niya ang babae sa video. Kuhang kuha lahat ng anggulo ng mukha niya pati ang katawan niya.



Agad na pinatay ni Stellum ang video saka niyakap siya nito. She didn't know that she was crying already. Bakit may ganito? Bakit mukha niya 'yung naroon?



Pinatahan siya ni Stellum pero kinailangan na nitong umuwi dahil maaga pa ang flight nito bukas. Nang makauwi si Stellum ay mag-isa siyang umiyak. Lalo na nang mabasa niya ang pahayag ni Ryan tungkol dito.



"Noong nagsalita ako dati na niloko ako ni Julia, totoo 'yon. She really cheated on me. Ngayon, lumabas na nga ang ibedensiya na nagloko talaga siya. I couldn't watch the video dahil nasusuka ako. Sobrang nakakadiri siya. Habang kami pa ay nakikipagtalik naman siya sa iba. She's so evil. I can't believe na pumatol ako sa kaniya. I loved her so much and it hurts to know that she never love me." Nanginginig ang mga kamay ni Julia habang binabasa ang pahayag ni Ryan. How could he do this to her? Akala niya ay tapos na ang pagpapahirap nito sa kaniya. She has moved on already bakit pilit pa nitong binabalik ang lahat ng sakit?




Una sa lahat ay hindi niya magagawa 'yong nasa video. Hindi siya ganoong babae. Hindi siya ganoon.



"Hey, Julia. Please, don't cry." Narinig niyang sabi ni Stellum habang yakap-yakap niya ito. Doon lang nawala lahat ng gumugulo sa isip niya.

Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon