Chapter 31

235 12 21
                                    

"Julia, pakiserve nito sa table 19!" Utos sa kaniya ng manager niya. Nakangiting sinerve ni Julia ang pagkain sa customers ng cafe na pinagtatrabahuan niya.



A month later, she found a fulltime job. Isa siyang waitress sa isang restaurant, at so far okay naman ang sahod niya. Nakakakain siya ng tatlong beses sa isang araw at nakakaipon din siya para sa pag-aaral niya next school year.



Sinubsob ni Julia ang sarili niya sa pagtatrabaho. Minsan nga ay nagkakasakit na siya pero pinapasawalang bahala na lamang niya ito para makapag-ipon talaga siya. Julia wanted to save money para maka-abroad siya at doon niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Malayo sa kanilang lahat.



Today is a busy day for her. Sobrang dami kasi ng tao sa restaurant nila kapag Friday kaya dapat ay mabilis siyang kumilos. Noong nagsisimula pa lang siya sa trabaho ay palagi siyang napapagalitan dahil puro palpak ang trabaho niya. Pero ngayon, kahit papaano ay masasabi niyang nag improve na siya.



"Julia! Come to my office. I need to talk to you." Rinig niyang sigaw ng manager niya. Dali-dali siyang pumasok sa opisina nito saka umupo sa katapat na upuan ng boss niya.



"Bakit niyo po ako pinatawag, Sir?"



"I have a very special customers tomorrow at ang gusto ko, ikaw ang mag serve sa kanila." Nagulat siya sa sinabi ng boss niya dahil mas marami pa ang mas magaling sa kaniya. Bakit siya ang pipiliin nito.



"Po? Bakit po ako? Bago lang po ako at mas marami pong tenured kaysa sa akin."



"You're doing a great job, Julia, and I can see a lot of potential in you. 'Yung improvement mo sobrang laki. Gusto kong magtuloy tuloy itong ipinapakita mo. I'm giving you this task so you could get used to this job." Ani Roel, manager niya.



"Baka hindi ko po kaya---"



"Kaya mo, Julia. Nakaya mo nga matutunan lahat sa loob ng isang buwan e. Alam kong kaya mo. Hindi ko ibibigay sa'yo 'to kung hindi mo kaya. Naniniwala ako sa'yo. At 'di ba nag-iipon ka? Malaki ang tip ng mga customers sa VIP room. Mas makakaipon ka ng malaki." Masaya si Julia na naniniwala sa kaniya ang boss niya. It means so much to her.



Natatakot man siya pero kakayanin niya. Tama ang boss niya, kaya niya. She will do her best para magustuhan ng mga customers ang trabaho niya at baka bigyan siya ng malaking tip. Mas mapapaaga ang alis niya papuntang ibang bansa.



"Thank you so much for the opportunity, Sir. Sige po, tinatanggap ko po ang offer ninyo. Kailan po 'yun para makapaghanda po ako." Julia asked.



"Bukas. Alas singko ng hapon. Mag-ayos ka saka isuot mo ang type B uniform ninyo." Roel reminded her. Julia was excited but nervous at the same time. Masaya siya na naaappreciate ng boss niya ang ginagawa niya. Mas lalo pa niyang gagalingan para hindi siya maalis sa trabaho.



The next day, maagang pumasok si Julia sa trabaho. Alas tres pa lang ng hapon ay nandoon na siya. 4 PM to 1 AM ang shift niya kaya parati siyang may kaba kapag uuwi ng condo niya. Pero nagpapasalamat siya sa Diyos na palagi siyang ligtas na nakakauwi.



Saktong alas singko ng hapon nang dumating ang mga customers nila sa VIP room. Lima iyong mga lalaki na halos may edad na. Tantiya ni Julia nasa 40-50 years old na ang mga ito. She greeted them with a wide smile on her lips. Medyo nailang pa siya sa uri nang pagkakatingin sa kaniya ng mga ito. Pero hindi na lang niya iyon pinansin.



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon