Chapter 17

252 11 17
                                    

Masayang pinagmamasdan ni Julia ang mga batang naglalaro sa palaruan. Madalas ay rito siya pumupunta tuwing gusto niyang huminga. Nakakahawa kasi ang mga ngiti ng mga bata. Sana nga ay bumalik siya sa pagkabata e. 'Yong walang problema. 'Yong tanging iniintindi lang ay ang kalaro sa habulan at sa langit lupa.



Kaninang umaga, narinig niyang naguusap sina Lake at Hope na nahihirapan daw silang sabihin kay Julia na hindi siya isasama sa bakasyon nila sa Korea ng isang buwan. Natatakot daw kasi si Kellan sa kaniya. Nasaktan siya kasi ang tagal niyang pinagplanuhan 'yong out of the country trip nila sa Korea pag sem break nila. Siya pa nga ang nag-suggest na roon sila pumunta kasi gustong-gusto niya talaga roon. Gumawa pa nga siya ng itinerary. Tapos sa huli siya pala ang hindi kasama.



Ayaw naman niyang mag demand kina Lake at Hope na isama siya kasi hindi naman siya totoong anak. Nalulungkot lang si Julia kasi pakiramdam niya ay hindi na siya belong sa pamilya na nagpalaki sa kaniya.



Nasasaktan siya kasi ang bilis-bilis nilang kalimutan siya. Ang bilis nilang palitan siya. Minsan, isa o dalawang linggo siyang hindi umuuwi sa mansiyon ng mga Lopez at sa condo natutulog pero hindi man lang siya ng mga ito tinatanong kung saan siya umuuwi, kumusta na siya, kumakain pa ba siya, humihinga? Parang tuluyan na siyang nakalimutan ng mga ito.



Hindi niya matanggap na hindi na siya mahal ng kinagisnan niyang pamilya. Siguro ay dahil na rin sa sirang-sira na ang pangalan niya sa mga ito. Madalas kasing magpanggap si Kellan na sinasaktan daw niya ito. Magigising nalang siya na tatanungin siya ni Hope kung bakit sinaktan na naman niya si Kellan. She always tried to defend herself but they wouldn't believe her.



Her Kuya Jacob is the only one on her side. She's very thankful that he always got her back. Siya nnalang ang taong kinakapitan niya. Siya ang nagiging lakas niya kapag minsan gusto na niyang sumuko. Siya ang parating nagpapagaan ng loob niya. Kaya lang ngayong nakaraang linggo ay hindi na sila gaano nag-uusap. Pakiramdam niya, dahil sa close sila ni Jacob kaya ito naman ngayon ang kinukuha sa kaniya ni Kellan. Parati itong nagpapasama kay Jacob. Parating gustong nasa tabi lang niya si Jacob. Minsan, kapag kakausapin siya ni Jacob, hindi pa gaano katagal, tatawagin na agad si Jacob ni Kellan at may ipapagawa rito. Natatakot siya na baka kung ano nanaman ang ipasok ni Kellan sa isip ni Jacob. Baka isang araw paggising niya ay wala na rin sa kaniya ang nagiisa niyang kakampi.



"Julia!" Napalingon agad si Julia sa tumawag sa kaniya. Si Ryan Teñoso.



"Hey!" Bati niya sa lalaking bagong dating. Nakilala ni Julia si Ryan noong unang beses siyang pumunta rito. Binabantayan nito ang pinsan niyang naglalaro sa playground. Nag-usap silang dalawa at nakagaanan niya agad ito ng loob. Mabait si Ryan at parating may baon na joke para mapangiti siya.



Sa totoo lang, nasasabik si Julia tuwing may kakausap sa kaniya. Kasi halos lahat ata ng tao ay ayaw sa kaniya. Ni wala nga siyang kaibigan e. Kaya natutuwa siya kapag may nagiging kaibigan siya na mapagsasabihan ng problema.



"Malungkot ka nanaman ba?" Tanong ni Ryan na nakatingin sa kaniya. "'Di ba sabi ko, ayokong malungkot ka. Oh heto, chocolates. Smile ka na." Inilagay ng lalaki ang chocolates sa palad niya. Napangiti naman agad si Julia. Small things like this warms her heart.



Sa sobrang saya niya ay nayakap niya ang lalaki. "Thank you, Ry." Ang sarap maramdaman ulit 'yong may nag-aalala at nag-aalaga.



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon