Chapter 36

355 14 16
                                    

"We need backup. Magpadala ka ng tao sa Comoros. Look for Isabel Garcia. Halughugin ninyo lahat ng lugar doon. We need to find Julia as soon as possible."



Naikuyom ni Zach ang kamao niya dahil sa inis. All this time, Julia is in Comoros Island and she's just using a different name! Kaya naman pala hindi nila siya mahanap.



After they watched Julia's latest video, agad silang bumiyahe papuntang Comoros. Kasama niya sina Jacob, Stellum, Stellar, Seth, Chatelle, Lake at Hope. Wala na silang sinayang na oras dahil gustong gusto na nilang makita si Julia.



"Julia loves the name Isabel. Bata palang siya palagi na niyang sinasabi na kapag nagkaroon siya ng anak, papangalanan niya ng Isabel. I want to see my princess. I want to hug her and kiss her. I miss her so much." Kuwento ng ina ni Julia na si Hope. Kanina pa ito iyak nang iyak.



"Kung naalala ko lang sana ang pangalan na isinulat niya sa papel noon, mas maaga sana natin siyang nahanap." It was Stellum.



"Wala na tayong panahon para magsisihan. Lahat tayo ay may kasalanan. We have to find Julia so we could ask for forgiveness and make it up to her." Sabi naman ni Jacob na hawak-hawak ang kamay ng asawang si Stellar.



"Jacob's right. Let us focus on finding Jia." Seth agreed.



Nawala ang atensiyon ni Zach sa mga kaibigan niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. He excused himself and answered the call. "Tim? Why are you calling me? May nangyari ba?"



"Your highness, I think the Queen knows something about Julia. I overheard her talking to her investigator. I'm afraid that she's the mastermind to all of this."



"What? What do you mean? Anong narinig mo?" Biglang naalarma si Zach sa sinabi ni Tim.



"Pinapahanap din niya si Julia sa Comoros dahil ayaw raw niyang lumabas ang totoo. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niyang totoo pero isa lang ang sigurado ako, kailangan kayo ang unang makahanap kay Julia dahil hindi natin alam ang puwedeng gawin ng reyna."



"Fuck. Sigurado ka ba sa narinig mo? Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may alam ni mommy rito."



"I heard what I heard, Matt. Go, find your woman. Ako na ang bahala rito. Focus on her. Mahirap kung maunahan tayo ng mommy mo."



"Thank you for telling me this, Tim. Please call me back." He said and ended the call. Buong biyahe ay magulo ang isip ni Zach dahil sa mama niya. Hindi niya alam ang gagawin niya rito kung sakaling may kinalaman ito sa mga nangyari kay Julia. Hindi niya ito mapapatawad.



Sa totoo lang ay hindi mahirap paniwalaan ang mga sinabi ni Tim tungkol sa mama niya. Dahil una pa lang ay ayaw na nito kay Julia para sa kaniya. She was the reason why she hated Julia. Ang dami nitong ibinigay sa kaniya na mga peke na pictures at video. Ang tanga niya dahil naniwala siya.



"Bro." Nawala ang mga iniisip niya nang lumapit sa kaniya si Jacob saka umupo sa tabi niya.



"What happened? Bakit ganyan ang mukha mo?" He queried.



"I'm fucking scared. Tumawag sa akin ang tauhan ko. They found 3 Isabel Garcia in that Island. 'Yung isa pa lang ang napupuntahan nila, it was not her. The other is working as a cook. 'Yung isa ay nasa listahan ng mga pasyente sa hospital."



"Fuck!" Nagpakawala siya ng malulutong na mura. Alam niyang pareho sila nang naiisip ni Jacob. Julia doesn't know how to cook so that only leaves them with one option. "Fuck. Hindi puwede."



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon