Mag-isang naglalakad si Julia papunta ng kanilang classroom nang may nakabanggaan siya. Pareho kasi silang nagmamadali dahil mahuhuli na sa kani-kanilang mga klase. Napaupo si Julia sa lakas ng impak nang pagkakabunggo sa kaniya. Nahulog rin ang mga librong hawak-hawak ni Julia.
"Shit, I'm so sorry." Rinig niyang sabi ng nakabanggaan niya. Napatingin si Julia sa lalaki. Matangkad ito at may gwapong mukha. Sinubukan ni Julia na tumayo pero medyo masakit ang pang-upo niya. Nagulat nalang siya nang inalok ng lalaki ang kamay nito sa kaniya para tulungan siyang tumayo. She accepted his hand and thanked him.
"Thanks."
"I'm so sorry, Miss. Kasalanan ko kasi nagmamadali ako. Hindi kita napansin. I'm sorry." The man apologized again.
"Oh, it's okay. I'm at fault too, I'm sorry." Paghingi rin niya ng paumanhin saka nagsimulang kunin ang tatlong libro na nasa sahig. Tinulungan siya ng lalaki sa mga libro niya.
"Joshua De Vera." Biglang pakilala ng lalaki. Tapos inilahad pa nito ang kamay niya. Ngumiti naman si Julia saka nagpakilala rin.
"Julia Lopez." She said. Nakita ni Julia kung paano lumaki ang ngiti ng lalaki. Kaya nginitian nalang din niya.
"Oh. I'm talking to THE Julia Lopez, the famous model? Didn't know you're 'this' beautiful in person." Malanding sabi ng lalaki na ikinatawa niya. Hindi kasi siya lapitin ng mga lalaki dahil siguro sa bantay sarado siya ng kuya Jacob niya at isa pa, wala rin naman siyang gana na makipag date ulit. Pakiramdam niya kasi iiwan lang siya ng mga ito. Marami naman ang nagpapahiwatig na gustong manligaw sa kaniya pero parating NO ang sagot niya.
"You have a very sweet tongue, Mr. De Vera." Sabi ni Julia saka nagsimula nang maglakad dahil siguradong late na siya sa klase. Pero tinawag siya ng lalaki.
"Wait, babe!" Tawag nito sa kaniya kaya agad siyang napalingon.
"Excuse me?"
"Okay, I'm sorry, Julia. Look, I just want to know you. Can you at least give me your number, please?" Honestong sabi ng lalaki. Julia found the guy cute. Sobrang laking tao kasi nito at heto nga at nagpapa-cute sa kaniya.
"I'm sorry, mister. I'm going to be late for my class. So if you'll excuse me..." Nagulat si Julia nang bigla siyang hinawakan ni Joshua sa kamay. Pilit naman niya itong inaagaw pero away itong pakawalan ng lalaki. "Hey. Let go of me."
"Na-ah. Bibitawan lang kita if you'll give me your number. Come on, Miss Lopez, I just wanna be friends with you. Please?" Sabi nito na ngumuso pa. Hindi maiwasan ni Julia na matawa sa itsura ng lalaki. Marami rin ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila. Hindi niya alam kung siya ba ang tinitingnan ng mga ito o ang lalaki. Mukha kasing sikat ito sa paaralan nila.
"Hay nako. Ang kulit mo naman Mister De Vera. Okay, okay, fine. Give me your phone." Sabi niya sa lalaki. Wala namang mawawala sa kaniya kung ibibigay niya ang number niya rito. E 'di hindi nalang niya rereplyan. Gusto nalang niyang makaalis dito. Late na kasi talaga siya e.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...