Chapter 14

209 7 8
                                    

Pagkauwi ni Julia ng condo niya ay agad niyang tinawagan ang kaniyang mommy na si Hope. Sumasakit ang puso niya sa lahat ng nangyari ngayong araw. Masakit ang ginawa sa kaniya ng kapatid ni Josh pero walang mas sasakit sa sinabi nina Atty. Larry kanina. Ayaw niyang isipin na totoo ang mga sinabi nito na hindi niya totoong pamilya ang mga Lopez. Hindi niya talaga ito kayang sikmurahin. Bata palang siya, lahat ng gusto niya ay ibinibigay nina Lake at Hope. Ni hindi niya naramdaman na may mali. Alam niya sa sarili niyang ito ang totoo niyang pamilya at hindi ang mga Garcia.



Sa ikalimang ring ay doon sinagot ni Hope ang tawag ng anak. Hindi agad napigilan ni Julia na humagulgol nang marinig ang boses ng ina.



"Baby, bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ng ina niya.



"M-mommy. Mahal na mahal na mahal ko po kayo. Kayo po nina daddy. Ayos lang po ako. Namimiss ko lang po kayo."



"Anak... 'wag mo naman pasakitin masyado ang puso ko. Ayokong umiiyak ka. Gusto mo bang dumaan kami ng daddy mo sa condo mo? Your dad's meeting will end in 20 minutes, pupunta kami diyan." Sabi ni Hope sa kabilang linya na halatang nag-aalala sa anak. Malumanay ang boses nito.



"H-hindi na po, mommy. Bukas po ay uuwi ako sa bahay. Mag shopping po ulit tayo. Tapos manood tayo ng movie nila kuya. Kain din po tayo sa labas, do'n sa favorite nating restaurant, mommy. Tapos kantahan niyo po ako bago matulog ha. Sobrang miss na miss ko na po 'yon."



"Julia... what's happening? You're scaring me."



"Wala po mommy. Nanaginip lang po ako nang masama. Narealize ko kung gaano kayo kahalaga sa akin. Kung gaano ko kayo kamahal. Mahal na mahal ko po kayong lahat."



"Oh, baby, Mahal na mahal ka rin namin, anak. Promise bukas gagawin natin lahat ng gusto mo." Pagpapagaan ng loob ng mommy niya sa kaniya.



"T-thank you, mommy, sa lahat. Sa pagmamahal at pag-aalaga sa amin ni Kuya Jacob. Kung bibigyan man ako ng chance na pumuli ng mommy, ikaw at ikaw lang po ang pipiliin ko. Kayo lang nila daddy."



"If I'll be given a chance to choose a daughter too, ikaw lang din ang pipiliin ko, anak. Kung ano man 'yang panaginip mo, 'wag mo nang isipin. Hindi kami mawawala ng daddy mo at ng kuya Jacob mo. Hanggang nabubuhay kami ng daddy mo, hindi tayo magkakahiwa-hiwalay."



"Thank you, mommy. Miss na miss na po kita at ang mga yakap mo. Yakapin niyo po ako nang mahigpit ha. 'Yong parang wala ng bukas. Sige na po mommy, magpapahinga na po ako. Aagahan ko pong umuwi bukas. I love you."



"Oo naman, baby. See you tomorrow. Take care, okay? I love you." Sagot ng ina niya. Agad na pinatay ni Julia ang tawag saka tinawagan ang daddy niyang nasa meeting. Alam niyang kahit nasa importanteng meeting ito ay parati siyang inuuna ni Lake kapag nakita nitong tumatatawag siya. And she's right. It only took 3 rings before Lake answered her call.



"Princess?" Bungad ng daddy niya.



"Hello, my handsome daddy." She replied. She heard him chuckle over the phone. Napangiti rin siya.


"Hi, my beautiful baby. Daddy's on a meeting right now. Do you need anything?"

"Wala po, daddy. Today is an appreciation day. I just want to appreciate you, daddy. I love you so much. Thank you for everything, dad. Sa pagbigay sa akin ng lahat ng gusto ko. Sa pag-aalaga at pagpoprotekta sa amin nina mommy. I'm your forever princess, 'di ba, daddy?"



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon