Chapter 30

280 14 28
                                    

"Alam mo naman ang patakaran ng paaralan natin, 'di ba?"



"I understand, ma'am. But I'm just asking for a little consideration from you and the board. Kahit hanggang bukas lang po. Kasi wala pa po talaga akong pagkukuhanan ng pera." Pagmamakaawa ni Julia sa prinsipal ng school nila.



"But we already gave you an extension. Sobrang consideration na nga ang ginawa namin. Hindi na puwedeng ipagpabukas 'to, Ms. Lopez. We are only giving you until 5 PM today." Maotoridad na sabi ng prinsipal. Wala nang nagawa si Julia kundi ang tumango rito. "You only have 7 hours, Julia. Kung hindi ka makakabayad, hindi ka namin maisasama sa mga candidates for graduation."



"Naiintindihan ko po. Sige po, aalis na po ako. Salamat po." Naiiyak na lumabas si Julia ng opisina ni Mrs. Tuazon. Napatingin siya sa hawak-hawak niyang papel. Kailangan niyang maghanap ng 50,000 para sa pangarap niya.



Mayroon pa siyang balance sa tuition fee niya na 45,000 at sa Graduation fee na 5,000. Kung hindi niya mababayaran 'yon ay hindi siya gagraduate at makakapag-college.



Pero saan siya kukuha ng pera? Baon na baon na siya sa utang kay Lake. Kapag nauubusan siya ng pera pangkain o kapag may mga gamit na kailangan siyang bilhin sa klase ay nanghihiram siya kay Lake. Sa nakalipas na apat na buwan ay parati siya nitong binibigyan ng pera at sobra niyang ipinagpapasalamat 'yon.



Pero hindi na niya kayang manghiram nang ganoon kalaking halaga kay Lake. Alam niyang napipilitan lang ito na tulungan siya. Ayaw niyang abusuhin ang daddy niya. Pero kakayanin ba niyang maghanap ng pera hanggang alas singko ngayong araw? Paano kung wala siyang mahanap? Hindi siya makakapagtapos ng Senior High School. Hindi siya makakatungtong ng kolehiyo at hindi niya maaabot agad ang pangarap niyang maging fashion designer.



Pinag-isipan ni Julia nang maigi kung saan siya kukuha ng pera. She tried contacting some people who may help her. Nilunok niya lahat ng hiya niya para sa pangarap niya. She sent same messages to her manager, ang amo niya at maging ang biological parents niya.



Hi. This is Julia. I'm sorry to bother you with my message. I know you have a lot of things to do than read this message but I badly need your help. I have an outstanding balance in my school and if I couldn't pay it today, on or before 5 PM, I will not be able to graduate. Sana po ay matulungan ninyo ako kasi gusto ko pong makapagtapos ng pag-aaral. Pangako po, babayaran ko po ang hihiramin ko sainyong pera. Maraming Salamat po.



Julia also sent a message to Seth and Stellum. Parehong nangako ang dalawa na hindi siya iiwan... Na kahit anong mangyari ay nandiyan lang ang mga ito para sa kaniya. She believed them kahit na alam niyang walang tao ang kaya siyang tagalan. And her thought was right. Iniwan nga rin siya ng mga ito.



Pero kahit na walang kasiguraduhan ay sinubukan niya pa rin na itext ang mga ito.



To: Bb Seth

Hi, Seth, I know sinabi mo na 'wag muna kitang kulitin dahil gusto mong mag focus kay Chantelle. It has been one year, Seth. But until now, you still haven't contact me. Hehe. Sorry. Ang demanding ko ba? Namimiss lang kita. Until now nandito pa rin 'yung sakit na bigla mo na lang akong iniwan. But don't worry, I'm trying to survive life. I know you're already happy and you don't need me anymore but I hope you can still contact me. I hope you can still visit me. I hope you can still help me with my life. Life is so hard without you and Stellum. Nasanay kasi ako na palagi kayong nasa tabi ko. I know everything has changed but I'm hoping that I still have a space in your heart like you've promised me.

Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon