"Si Nath?" Rinig niyang tanong ni Jacob. Zach nodded his head and walked towards his friend. "Magkaaway kayo?"
"I don't know, bro." Napabuntong hininga siya. "Tara, inom tayo."
Iginiya siya ni Jacob sa bar counter saka nagbukas ito ng alak. Sinalinan siya nito sa baso saka nag-inuman silang dalawa. Zach was so frustrated. Alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Jacob. Pareho naman sila ng gusto, ang mahanap si Julia.
"Kumusta ang buhay may asawa, bro? Masaya ba?" Hindi niya mapigilan na tanungin ang kaibigan. Ilang buwan nalang ay ikakasal na rin kasi siya kay Nathalie.
"It's the best feeling in the world. Kung hindi ko kasama ang asawa ko ngayon, baka nasiraan na ako ng bait kakahanap kay Julia. Stellar keeps me sane. Pinapalakas din niya ang loob ko palagi. Kahit wala siyang gawin, makita ko lang siya, nagiging okay ang lahat." Nakangiting kuwento ni Jacob. He really looked happy and in love.
"You're lucky." He replied shortly.
"Bakit? Are you not happy? You should be, bro, because you'll be marrying the love of your life. Alam mo ba nang mag propose ako kay Stellar, sobrang saya ko? Sobrang excited ako na pakasalan na siya. Hindi mo ba nararamdaman 'yon?" Hindi agad nakasagot si Zach, niligok niya ang buong laman ng baso niya. "Are you hesitating, Matt?"
"I don't know anymore, bro. Alam mo naman na hindi ako pumapasok sa isang relasyon na hindi ako sigurado. From the very start, siya na ang gusto ko makasama habang buhay. Siya ang mahal ko. Siya lang. Pero bakit ganoon, hindi ko na maramdaman 'yon ngayon? Parang hindi na ako sigurado." Uminom ulit siya sa kaniyang baso na puno ng alak. "Fuck!"
"That sucks. Make up your mind, Matt. At hindi ako naniniwala na hindi ka pumapasok sa isang relasyon na hindi ka sigurado. Why did you pursue my sister in the first place kung sigurado ka kay Nathalie?"
"I--- I did love her, bro. I really did. She's just so perfect. Our relationship was perfect too in all aspects. She didn't do anything wrong. Ako ang may mali. I didn't believe her. Naniwala ako sa mga taong nasa paligid ko na walang ibang ginawa kundi siraan si Julia. Binaliktad siya and I hated her without knowing the truth."
"Do you still love my sister? Kung oo, hindi ako papayag. Hindi ko hahayaan na masaktan siya ulit nang dahil sa'yo." Sabi ni Jacob na masama na ang tingin sa kaniya. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kaibigan.
"Why would I hurt her? Fuck, that's the last thing I will do. I will never hurt her again. Never."
"You sounded like you still love my sister. Gago ka, you still have a fiancé! Make up your fucking mind, Matt. Dahil mahanap ko lang ang kapatid ko, hindi-hindi ko papalapitin sa'yo 'yon!" Hindi nakasagot si Zach dahil bigla siyang napaisip sa sinabi ni Jacob. Mahal pa ba niya si Julia? Mas lalo siyang naguluhan ngayon.
Nawala si Zach sa mga iniisip niya nang tumunog ang cellphone ni Jacob. Agad nitong sinagot ang tawag habang siya ay panay ang inom ng alak. Gusto niyang magpakalasing. Baka sakaling makalimutan niya ang mga problema niya.
"What do you want, fucker?" Napadako ang tingin ni Zach kay Jacob. Alam niyang kaibigan nila ang kausap ni Jacob dahil ganito sila magbatian sa tawag. "Stellar's fine. Hindi mo ako kailangang pagsabihan dahil hindi ko pababayaan ang asawa ko... Whatever, fucker. Bakit ka tumawag?... Sige, that's nice... Oo, kasama ko si Matt... Sige, I'll tell my wife... Bye, fucker."
"Stellum?" He asked.
"Yeah. Uuwi raw si gago. He will help us to find Julia. He hurt Julia too."
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...