Chapter 22

196 12 12
                                    

Walang ibang maramdaman si Julia kundi takot. Ngayong araw ay uuwi na ang pamilyang Lopez galing Korea at labis-labis siyang kinakabahan. Dalawang linggo na kasi siyang hindi kinakausap ni Jacob at natatakot siya na baka dahil nakita na nila ang video niya.



She was waiting on the sofa, anxiously. Gusto niyang pagdating ng mga ito ay agad niyang makausap para makapagpaliwanag siya.



Araw-araw ay umiiyak si Julia dahil miss na miss na niya ang pamilyang Lopez. Hindi na siya kinakausap ng mga ito sa tawag at nasasaktan siya. Sobrang daming issue ang binabato sa kaniya ng mga tao dahil kay Ryan at kailangan na kailangan niya ng masasandalan pero wala siyang mahingian ng tulong.



Nang magkagulo ang mga katulong, alam ni Julia na nandito na sina Hope. She stood up and waited at the door for them. Malayo palang ay natanaw na niya ang mga ito. Inaalalayan nina Hope at Lake si Kellan. Habang si Jacob ay nasa likod ng mga ito kasama si Stellar, na kakauwi lang din siguro galing Canada.



Nang magtama ang mga mata nila, napalunok si Julia sa uri ng pagkakatingin ng mga ito sa kaniya. At that moment she knew they already have watched the video. Pero hindi man lang ba nila papakinggan ang explanasyon niya?



"Mommy, daddy." She uttered nang makalapit ang pamilyang Lopez sa harap niya. She tried to hug them pero umiwas ang mga ito at nilagpasan siya. A single tear rolled down her cheek.



"Kuya..." Tawag naman niya sa kuya Jacob niya. Tinitigan lang siya nito saka nilagpasan din siya. Sobrang sakit. Parang dinudurog ang puso niya.



"Kellan, anak, umakyat ka muna ng kuwarto mo. May pag-uusapan lang kami." Rinig niyang sabi ni Hope sa anak nito. Nakita niyang ngumisi si Kellan sa kaniya bago ito umakyat ng hagdan.



"Julia, let's talk." Sabi ng ina niya na may malamig na tono. Umupo ang mga ito sa sofa, samantalang nanginginig ang mga tuhod niya habang naglalakad palapit sa kanila.



"M-mommy---" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang bigla niyang maramdaman ang pagdampi ng kamay ng ina niya sa pisngi niya.



Hindi 'yon kasing sakit ng sampal na pinaranas sa kaniya ng ibang tao pero para sa kaniya ito ang pinaka masakit. Dahil galing 'yon kay Hope.



"I am so mad! I am so mad at you, Julia! Ganoon ang tingin mo sa amin? Mga demonyo? Ikaw pa ba ang pinalaki namin, ha? Dahil hindi ka na namim kilala! Kung ayaw mo na sa amin, you are free to leave the house! Hindi 'yong sisiraan mo kami sa ibang tao! Anong pagkukulang namin sa'yo, ha? Lahat binigay namin, Julia! Sobrang sakit na marinig 'yon galing sa'yo! Tinuring ka naming totoong anak! Hindi ko matanggap na magagawa mo 'to sa amin!" Galit na galit na sigaw ni Hope sa kaniya. Ngayon lang niya nakitang nanggagalaiti sa galit ang ina niya. "You don't want to associate yourself with us? Sige, lumayas ka sa pamamahay na 'to! Hindi namin kailangan ng sampid dito!"



"M-mommy, hindi po. Please, makinig po kayo sa akin. Hindi ko po magagawa 'yon. Please, parang awa niyo na po, makinig po kayo sa akin." Pagmamakaawa ni Julia. Panay ang buhos ng mga luha niya. She was so desperate to be heard.



"Makinig sa'yo? You're still denying it? Alam mo ba ang pakiramdam namin nang makita namin 'yon? Hindi kami naniniwala. Lahat ng pagpapaimbestiga, nagawa na namin. Lahat sila, sinabing totoo ang video at hindi edited! Sobra-sobra kaming nasaktan, Julia! Mahal ka namin pero bakit mo nagawa sa amin 'to?"



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon