Hindi alam ni Zach kung bakit hindi siya mapakali nang mabasa ang text ni Tim sa kaniya. Inimporma kasi siya ng lalaki na may natanggap silang mensahe na nasa ospital daw ang hinahanap nilang si Julia. Walang binanggit na pangalan ng ospital ang nagtext sa team niya kaya hindi niya alam kung saang ospital niya hahanapin ang dalaga. Hindi na rin ito nagreply nang tanungin nila kung saang ospital ito.
Kaagad niyang inutusan ang kaniyang mga tauhan. Pinahanap niya lahat ng records ng mga pasyente sa lahat ng ospital sa mundo kung may pasyenteng nagngangalang Julia Melissa Lopez.
Natatakot siyang malaman kung nasa ospital nga ang dalaga. Baka kung ano na ang nangyari rito. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
Nawala ang mga iniisip niya nang may kumatok sa kaniyang opisina. Pumasok doon ang kaniyang magandang ina na si Queen Veronica.
"Hello, son," bati nito sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi.
"Mom, how are you?" tanong ni Zach. Umupo naman si Veronica sa upuan sa harap niya.
"I've heard what's been keeping you busy these days. Really, son? Looking for that girl again?" masungit na tanong ng kaniyang ina. Malaki ang takot at respeto ni Zach sa ina niya kaya ayaw niya sanang malaman nito na pinapahanap niya ulit si Julia dahil tiyak na magagalit ito. Pero mukhang marami itong taenga. Hindi na nagsalita si Zach dahil ayaw niyang magalit ang ina niya. Kaya nagpatuloy muli sa pagsasalita ang reyna.
"Are you even listening to me, Matthew Zachary? You do understand that looking for that girl is a waste of time, right? Bakit mo gustong hanapin ang malanding babaeng 'yon? Magpapakasal ka na, Matthew! Ano na lang ang mararamdaman ni Nathalie kung malaman niyang pinapahanap mo 'yang ipokritang 'yan?!" galit na galit na sabi ni Veronica sa anak. Gustong ipagtanggol ni Zach ang dalaga pero hindi niya magawa. Hindi niya magawang sagutin ang kaniyang ina.
"Mom, please. I swear whatever I'm doing now will have no effect on my relationship with Nathalie."
"Dapat lang! She's the perfect woman for you, Matthew. Not some ugly, cheater, or a whore. I know that because I'm your mother! I know what's best for you." Halos mapapikit si Zach sa mga narinig sa ina nito. He knew his mother was right. Julia is a liar, a cheater and a devil incarnate. She even confirmed it herself. "Tell me, bakit hinahanap mo pa rin ang babaeng 'yon?" galit na tanong ng ina niya.
"Mom, she's my friend. Her family treated me like their own son. Tinutulungan ko lang po sila."
"Siguraduhin mo lang Matthew na iyan lang ang pakay mo, dahil hindi mo magugustuhan kung paano ako magalit."
"Yes, mom," maikling sagot ni Zach. Tumango lang naman ang ina niya bago lumabas ng kaniyang opisina. Zach knew that he was not looking for Julia because he wanted to help her family; he was looking for her because he wanted to see her. Dahil nagi-guilty siya sa lahat nang ginawa niya rito noon. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang nararamdaman niya. Dapat ay wala na siyang pakialam sa babae dahil sa rami ng kasalanan ni Julia sa kanila.
Bandang alas-tres ng hapon nang makatanggap si Zach ng tawag mula kay Tim. Kinabahan siya dahil pakiramdam niya ay tungkol ito sa video ng dalaga. Araw-araw kasing ina-upload ng uploader ang video ni Julia.
"Your highness,another video is up." Hindi nga nagkamali si Zach. Tungkol nga ito sa video ng dalaga.
"Did you watch it already? Is it about me again?" Tanong ni Zach sa kausap.
"Yes. Some parts were about you. And the other is for another guy. Tristan? Anyway, I'll send you the link. And oh, maybe you can grab some tissue before watching it."
"What? Why?" Nagtatakang tanong ni Zach.
"Just watch it by yourself. Heads up, I cried a little. I just really felt her pain." Sabi ni Tim saka ibinaba agad ang tawag ng hindi pa nakakasagot si Zach.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...