"Hello, Sammie. How are you? Sorry ha, kung halos dalawang araw na akong hindi nakakapagkwento sa'yo. Kasi masama talaga ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw pero okay na naman ako kahit papaano. Nadadala naman sa gamot. Anyway, enough na muna sa chika ko about myself. Proceed nalang tayo sa susunod na kabanata ng story namin ni Zach---"
"---Sammie alam mo ba noong nawala saakin si Tristan? Bumalik nanaman ulit ako sa tulad noong araw na umalis si Zach. Araw-araw nanaman akong umiiyak at tinatanong ang sarili kung may mali ba sa akin. Sobrang hirap iangat ulit ang sarili pagkatapos mong magkaroon ng dalawang magkasunod na heart break. Ilang buwan din akong nagmukmok at umiyak no'n. Pero sobra-sobra akong nagpapasalamat dahil kasama ko ang pamilya ko na walang ginawa kundi pagaanin ang loob ko. 8 months later, Zach came back and my life turned upside down again. Basta isang araw paggising ko ay naabutan ko nalang siya sa sala ng bahay namin---"
Julia woke up late. Pag tingin niya ng orasan ay alas onse na ng umaga. Nag toothbrush siya at nag-shower bago bumaba ng hagdan. Wala ngayon ang mga magulang niya dahil may inaasikaso ito sa abroad. Kaya naiwan silang dalawa ng kuya Jacob niya. Kaya lang ay alam niyang maaga si Jacob umalis dahil nagpaalam na ito sa kaniya kagabi kaya mag-isa lang siya sa bahay ngayon.
Nang tuluyang makababa si Julia ng sala, kumunot ang noo niya nang mahagip ng mga mata niya ang isang lalaking nakaupo sa sofa nila. Pamilyar ang likod ng lalaki ngunit hindi niya makumpirma kung siya nga ito. Sobrang kinakabahan si Julia lalo na nang humarap ang lalaki at tumakbo ito papunta sa kaniya saka mahigpit siyang niyakap.
"Baba." Rinig niyang tawag sa kaniya ng lalaki. Hindi na napigilan ni Julia ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya. Kagabi lang ay iniiyakan niya ito, tapos ngayon ay nandito na siya at yakap-yakap pa siya nito. Dahan dahang gumanti siya ng yakap dito.
Matagal silang nag-yakapan. Halatang miss na miss nila ang isa't isa. Nang pareho na silang nahimasmasan ay kumawala na sila pareho sa mahigpit na yakap. Tiningnan nila ang isa't-isa sa mata na para bang nangungusap ang mga ito.
"Baba." Second word Zach had said to her today.
"Baba, I missed you." Mahina niyang sabi tapos napayuko siya. Zach touched her chin and made her stare into his eyes.
"I missed you, too, Baba. I'm so sorry for the last conversation we had. I was strung out and I know I deeply hurt you. I'm so sorry, baba." Zach apologized to Julia. He was even holding her hand and squeezing it from time to time. Hindi naman alam ni Julia kung para saan ang sorry ni Zach. Para ba sa usapan nila bago siya umalis o doon sa huli nilang usapan sa telepono. Pero kahit ano pa man doon sa dalawa, pareho siyang lubos na nasaktan.
"It's okay, baba. Kalimutan na natin 'yon. I'm just happy that you're here now." Julia smiled at him and he pulled her in again for a hug. Hindi alam ni Julia kung bakit ang dali niyang patawarin ang lalaki. Siguro dahil totoong mahal niya si Zach. "Don't ever leave me again, baba, okay? Kung aalis ka sabihan mo naman ako para alam ko." She told him. Takot na siya e. Sobrang takot na siyang iwan ulit.
"I won't, baba. I promise, I wont." He said.
Nang bumalik si Zach sa Pilipinas, bumalik din ulit sila sa dati. 'Yong sobrang close nilang dalawa na halos araw-araw ay magkasama sila. He always went to their house para makipag-bonding sa kaniya at kay Jacob. Sobra niyang saya. Nakalimutan niya bigla ang sakit na iniwan sa kaniya ni Tristan. Pinunan 'yon lahat ni Zach.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...