Hindi akalain ni Julia na kaya niyang mabuhay na hindi kasama ang pamilyang Lopez. 3 months ago, akala niya ay roon na natatapos ang buhay niya. Pero nagkamali siya dahil pagkalipas lang ng tatlong buwan ay natutunan na niyang mabuhay nang mag-isa.
"Hi, Sammie, good morning. How are you today? I'm so sorry kung hindi na ako nakakapag-update sa'yo ha. Kasi alam mo na, I'm a busy young woman. Hahaha! Nagtatrabaho na kasi ako ng Sabado at Linggo bilang maid sa isang Chinese family. Naglalaba ako roon at naghuhugas ng mga utensils. Kapag weekdays naman ay nag-aaral ako at kapag gabi, nag eextra ako bilang model. Wala na nga akong pahinga e, pero kailangan kong mag sipag kasi wala na akong aasahan kundi ang sarili ko lang. Kailangan kong mag doble kayod para may makain ako. Are you proud of me, Sammie? Alam mo ba, ngayon ko lang narealize kung gaano kahalaga ang pera? Dati, noong nasa mansyon pa ako, panay ang waldas ko ng pera. Akala ko sobrang daling makuha no'n pero hindi, sobrang hirap magkapera. Ni wala nga akong mabili para sa mga luho ko dahil kulang pa ang sahod ko sa pagiging katulong para sa pagkain ko araw-araw. Part-time lang naman kasi ako roon e, since nag-aaral pa ako at 16 palang ako. Mabuti nga at tinanggap ako nina Ma'am Lucille. Life is so hard, Sammie, pero papatunayan ko sa kanilang lahat na kaya ko, kahit wala sila."
Stellum already went back to Canada. He just stayed here for a week and he needed to go home kasi nag-aaral rin ito. Laking pasalamat ni Julia kay Stellum dahil kinausap nito ang pamilyang Lopez para ibigay sa kaniya ang ibang mga gamit niya. She's staying at her condo now. 'Yung car naman niya ay ibinenta niya so that she could pay for her tuition fee. 'Yung ibang pera na nakuha niya sa pagbenta ng kotse niya ay itinabi niya para may magagamit siya kung sakaling kailanganin niya ng malaking halaga.
Today is Saturday kaya alas singko palang ng umaga ay gising na siya para pumasok sa trabaho. 7 AM ang pasok niya hanggang alas singko. Dahil Chinese ang mga amo niya, sobrang importante ng oras sa mga ito. Hindi siya puwedeng ma-late dahil paniguradong masisigawan nanaman siya.
Naligo siya at pagkatapos ay kumain ng tatlong pandesal at uminom ng kape para sa almusal niya. Nang pumatak ang alas sais, umalis na si Julia ng condo niya saka nag-abang ng taxi. Medyo malapit lang ang bahay ng amo niya kaya minsan ay sa nilalakad nalang niya iyon. Sayang pa kasi ng pamasahe, puwede pa 'yong mabili ng pagkain.
Habang nasa taxi si Julia, biglang tumunog ang cellphone niya. It was a call from Stellum. Agad niya iyong sinagot.
Julia: Hello?
Stellum: Hi. How's my baby?
Julia: Baby ka riyan.
Stellum: Bakit? Baby naman talaga kita ah! Baby sister.
Julia: Hahaha! I'm okay. Ikaw, kumusta ka riyan? 'Wag mong pagurin masyado ang sarili mo kakaaral ha. Take a break too and stop using---
Stellum: I miss you.
Napatigil si Julia sa kakasalita dahil sa narinig kay Stellum. Napailing siya saka napangiti.
Julia: I miss you, too. Kailan ang uwi mo ulit dito? Please umuwi ka naman. Mag 3 months na kitang hindi nakikita. Kapag umabot pa 'to ng 4 months, mababaliw na siguro ako. Hahaha, wala akong nakakausap dito e.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...