Chapter 2

340 13 6
                                    

Nagising si Zach kaninang madaling araw sa tawag na natanggap niya mula kay Jacob na matalik niyang kaibigan. Sinagot niya kaagad ang tawag, nagbabakasakaling may maganda itong balita.

"Bro." Rinig niyang sabi nito sa kabilang linya.

"Hey, any good news?" tanong niya sa lalaki.

"False alarm. Wala siya roon. Fuck! Akala ko ay makikita na natin ni Julia. Tangina, umasa ako. Noong dumating kami roon, wala kaming nakitang bahay. Putangina nung nagtext sa akin. Pinagmukha niya tayong tanga," galit na sabi ng kausap niya. Kahapon kasi ay may nareceive itong text na nagbigay ng tip kung nasaan ang dalaga pero mukhang pinagti-tripan lang sila nito.

"Bro, you know that we need to take any chance we can get, right? Malay natin, next time na may mag-tip sa atin ay naroon na talaga si Jia."

"Alam ko, pero putangina, gusto ko na lang makita ang kapatid ko." Bakas ang lungkot sa boses ni Jacob.

"I miss her, too," pabulong na sabi ni Zach.

"Sige na, salamat. Update kita kapag may lead ulit kami," ani Jacob saka pinatay ang tawag. Simula nang magising siya sa tawag ni Jacob ay hindi na siya dinalaw pa ng antok.

Ginugol na lang niya ang oras sa pagbabasa ng mga libro para sa mas ikauunlad ng kanilang bansa na pamumunuan niya balang araw. Bata pa lang ay sinanay na siya ng kaniyang mga magulang na umakto bilang isang hari dahil walang ibang hihiranging hari kasunod sa ama niya kung hindi ay siya lamang.

Nabaling ang atensiyon ni Zach sa tunog ng cellphone niya. Sinagot kaagad niya ang tawag matapos isara ang libro na binabasa niya.

"Your highness, good morning," sabi ng kausap niya sa kabilang linya.

"Tim, hanggang kailan mo ba ako tatawaging your highness? I told you, just call me by my name," sagot naman ni Zach.

"Your highness, he's at it again." Hindi pinansin ni Tim ang sinabi ng prinsipe. Bakas sa boses nito na seryoso ang pakay niya kung bakit siya tumawag. Natahimik sandali si Zach at pino-proseso ang sinabi ni Tim na kaagad naman niyang naintindihan.

"Fuck, is there a new video that he's posted? Damn it! We really need to see this person. Wala pa rin bang lead hanggang ngayon?" Halata ang inis sa boses ni Zach.

"We haven't been able to trace the uploader till now, Matt. He is doing an excellent job. He knows how technology works. We've already sought the help the best IT, but even they are having trouble finding the uploader. In any case, you need to watch the video. It's her second video, and it's about you again. I'll e-mail you the link." Napapikit si Zach sa mga narinig kay Tim. Kakayanin pa ba niyang makita ang susunod na video ng dalaga? One video is already enough to know how much he has hurt her.

"Okay, thank you, Matt," sabi niya sa kausap saka pinatay ang tawag. Hinintay niya ulit ang e-mail ng lalaki para mapanood ang video. Habang naghihintay ay labis-labis ang kabang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman niya sa nag-upload ng video. Gusto niyang magalit dahil nakikita ng buong mundo si Julia sa ganoong sitwasyon. Pero gusto rin niyang magpasalamat dahil nakita niya ulit ang dalaga kahit sa isang video man lang.

Kailangan na talaga nilang mahanap ang tao sa likod ng pag-upload ng mga videos ng dalaga dahil gusto nilang itanong kung nasaan si Julia at kung bakit hawak-hawak nito ang camera ng dalaga.

When a new message appeared in Zach's inbox, he immediately clicked the link. He also sat properly in his swivel chair before playing the video.

***

"Hello, Sammie. How are you today? Ako? I'm okay naman. Kaya lang ay hindi ako gaano nakatulog kagabi. Ganito talaga ako kapag hindi ako sa bahay natutulog. Ewan ko ba kung bakit. Siguro ay namamahay ako. I really regret asking my parents to buy this condo for me. Pero pinabili ko lang naman ito kina mommy kasi malapit sa school ko. Minsan kasi ay gabi na ako nakakauwi. Anyway, magku-kwento na ulit ako sa'yo tungkol kay Zach. I really miss him. 'Diba ang sabi ko kahapon ay sobrang close naming dalawa? Alam mo ba, Sammie, sobrang love ko 'yon kahit na may mahal siyang iba. Naalala ko 'yung araw na umamin ako sa kaniya tapos sinabi niya sa akin na wala siyang mamahaling iba kundi si Nathalie lang. That was really hurtful. Parang sinampal niya ako ng katotohanan na wala akong pag-asa sa kaniya. Tandang-tanda ko noon na nag-aalala ako sa kaniya kasi hindi ko siya ma-contact, tapos pagpunta ko ng bahay niya ay umiiyak siya---"

Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon