Chapter 20

282 13 9
                                    

Zach arrived in the Philippines around 9 in the morning. Wala na siyang sinayang na oras. Agad siyang pumunta sa bahay ng mag-asawang Jacob at Stellar para makipag-usap dito. Tinawagan niya si Jacob para sabihing nasa labas na siya ng bahay nito. Agad naman siyang pinapasok ni Jacob pagkatapos nilang mag bro hug at magkamustahan. Halos ilang taon din silang hindi nagkita na magkaibigan kaya namiss nila ang isa't-isa. Huling pagkikita nila ay noong dumalo pa siya ng kasal ni Jacob at Stellar sa Canada.



Dinala siya ni Jacob sa opisina nito sa loob bahay saka roon silang dalawa nag-usap. "Bro, salamat sa pagpunta ha. I already talked to my secretary to clear my schedule for a week para makapag-focus tayo sa paghahanap kay Julia." Sabi ni Jacob kasabay nang paginom sa beer in can niya.



"No problem, bro. Ang dami-dami kong nagawang kasalanan kay Julia. This is the only thing I can do to make it up to her."



"Kung marami kang naging kasalanan sa kaniya huwag mo akong ibahin. Sobrang laki rin ng kasalanan ko sa kaniya. Nagpakain ako sa galit at poot. Nagpagamit ako sa mga taong manloloko. Pagbabayarin ko silang lahat, mga putangina nila." Galit na sabi ni Jacob. Alam ni Zach na kung anong nararamdaman ni Jacob ngayon ay katulad din ng nararamdaman niya. Hindi niya malimutan ang video ng dalaga kung saan hirap na hirap itong ikwento sa camera ang nangyaring pangbabastos ni Lope sa dalaga. 



"Do you have any news about Kellan and the Garcia family? 'Di ba sabi mo ay pinahanap mo na sila 2 months ago?" Tanong niya sa kaibigan.



"I'll kill that motherfucker if I find them. Pasalamat sila dahil magaling silang magtago. Sabi ng imbestigador ko, hindi raw lumabas ng bansa ang mga 'yon. Kaya rito nila hinahalughog sa Pilipinas. Tangina, sana naman may lead na." Sabi ni Jacob. Bago pa man siya makapagsalita ay nakatanggap si Jacob ng tawag na agad nitong sinagot. Zach busied himself with his phone while waiting for Jacob to finish the call. "Fuck, ready yourself, Matthew. God has answered. We're going to war." Malakas na sabi ni Jacob sa kaniya matapos ang tawag saka nagmamadaling umalis ng opisina. Agad naman siyang sumunod sa lalaki.



"Hey, where are we exactly going? What war are you talking about, Jacob?"



"They found Lope. I like to see that motherfucker in jail." Seryosong sabi ng matalik na kaibigan. Biglang nakaramdam si Zach ng galit nang marinig ang pangalan ni Lope. He wanted to see that man too. They will make him pay big time.



Habang nasa kotse sila ni Jacob ay pareho silang hindi nagsasalita. Alam niyang kung anong naiisip niya ay ganoon din ang lalaki. Wala silang gusto kundi ang mapagbayad ang lalaki sa ginawa sa dalaga. Sabi ni Jacob sa kaniya kanina ay nahanap daw ng mga tauhan nito si Lope sa abandonadong bahay sa Davao. Mag-isa lang daw ito roon at hindi kasama sina Elora at Kellan.



Sa sobrang lalim ng mga iniisip niya ay hindi na niya namalayan na narating na nila ang prinsinto kung saan dinala si Lope ng mga pulis. Huminga nang malalim sina Jacob at Zach bago pumasok ng prisinto. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa oras na makita nila si Lope. Kilala kasi ni Zach ang kaibigan niya. Kung siya ay kayang itago ang nararamdaman at emosyon, si Jacob ay hindi. Gagawin nito ang isang bagay na naaayon sa emosyon nito kahit na hindi pa nito napag-iisipan ang mga gagawin. At base sa nakikita ni Zach ngayon, galit na galit si Jacob.



Nang makapasok sila ni Jacob sa loob ay agad silang sinalubong ng abogado ni Jacob at ang imbetigador nito.



"Jacob Lopez." Pakilala ni Jacob sa kausap nilang officer ng pulisya. "Dalhin mo ako ngayon kay Lope Garcia. Gusto kong makita ang hayop na 'yon." Agad naman silang dinala ng pulis sa isang pribadong kwarto. Doon daw dadalhin si Lope para makapag-usap sila.



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon