"Babe? Oh my God! You're here!" Nagulat si Zach nang sugurin siya ni Nathalie ng yakap. Zach arrived at Denfield the next day. He was so exhausted dahil wala pa siyang pahinga at matinong tulog.
"Nath, I'm not here for you. Please, let go." Inalis ni Zach ang pagkakayakap sa kaniya ng dalaga.
"Babe, please. Ayusin natin ang relasyon natin. I love you and I don't want us to break up." Pilit siyang hinahawakan ni Nathalie pero umiiwas siya rito.
"Wala ako rito para riyan. Nandito ako para kay Kellan at Elora. Ilabas mo sila. Alam kong dito sila nagtatago." Plano sana ni Zach na dahan dahanin ang pagkomprota rito pero wala na siyang oras para makipaglokohan.
"What? Anong sinasabi mo? I don't even know them!" Tanggi ni Nathalie pero halatang kinabahan ito.
"Nathalie, please! For the love of God, ilabas mo na sila! Ang tagal-tagal na namin silang hinahanap tapos tinatago mo pala? Bakit? Bakit ninyo nilalayo saamin ang katotohanan?"
"Matt, ano ba! Wala nga sila rito! Kahit halughugin mo pa ang buong palasyo, hindi mo sila makikita!"
"Okay, dahil habang nag-uusap tayo, hinahanap na ng mga tauhan ko sina Elora at Kellan---"
"What!? Sinong nagsabi sayo na puwede kang magpapasok sa palasyo namin? Puwede ko kayong kasuhan!" Sigaw ni Nathalie at nagsimula itong maglakad palayo sa kaniya pero nahuli ni Zach ang braso nito.
"Where do you think you're going, Nath? Stay here." He said with gritting teeth.
"Ano ba! Bitawan mo ako, Matt! Nasasaktan ako!"
"Stay here and don't move para hindi ka masaktan! Bakit ka natatakot kung wala kang tinatago, ha? Sa oras na malaman kong may kinalaman ka sa mga nangyari kay Julia, pagbabayarin kita!" Banta niya sa dalaga habang hawak-hawak pa rin niya ang braso nito.
Nathalie started crying pero hindi niya pinansin ang dalaga. Inip na inip na siya kahihintay sa tawag ng mga tauhan niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kung nahanap na nila ang mag-ina.
"Hindi ka ba naaawa sa akin? Ha? Pakawalan mo na ako!" Iyak pa rin nang iyak si Nathalie. Nagmamakaawa ito na pakawalan niya.
"Stop crying and just sit there. Hindi naman kita sinasaktan. I'm just making sure na hindi ka lalabas ng kuwartong 'to para patakasin sina Elora."
"Hindi ko gagawin 'yon kasi wala nga sila rito! Ano ba! Maniwala ka sa akin! Wala akong alam!" Nathalie shouted. Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot nang makitang isa sa mga tauhan niya 'yon.
"Hello? What happened?" He was so nervous. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito para mapuntahan na niya si Julia.
"Confirmed. They're here." Agad siyang napatingin kay Nathalie matapos marinig ang sinabi ng tauhan niya. Biglang nagdilim ang paningin niya sa galit.
"They're fucking here! Tinago mo sila? Bakit!" Sigaw ni Zach sa dalaga matapos niyang ibaba ang tawag. Hindi na niya mapigilan ang sarili niya. He was so mad! Ang tagal-tagal nilang hinanap sina Kellan at Elora tapos nandito lang pala sa palasyo ng Denfield? Ang masakit pa roon ay itinago ito ng ex fiancé niya.
"Matt, please! Wala akong alam---"
"Stop lying! Stop pretending! Putangina! Ginagawa niyo akong tanga! Bakit mo sila tinutulungan? Kasabwat ka ba nila, ha!? Please, Nath, tell me the truth!" Nanginginig na siya sa galit pero hindi pa rin nagsasalita s Nathalie. Iyak lang ito nang iyak. "Nathalie, parang awa mo na. Kung wala ka talagang kinalaman, sabihin mo sa akin ang lahat. Nagmamakaawa ako." Dahil sobang desperado na si Zach na malaman ang totoo, lumuhod siya sa harap ni Nathalie. He was so desperate to know the truth. Hindi siya aalis ng bansang ito na walang sagot sa lahat ng tanong nila. "Nath, I'm begging you, tell me the truth."
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...