Months have passed and Julia feels like the relationship between her and Zach is improving. She can feel that he's really determined to move on from his first love. Pakiramdam niya ay binibigyan talaga siya nito ng pagkakataon na siya naman ang mahalin. Walang araw na hindi pinapakita sa kaniya si Zach na hindi siya mahalaga rito. At alam ni Julia na hulog na hulog na siya sa prinsipe.
Halos limang buwan na ang nakalipas nang maging sila ni Zach at hindi siya nagsisi na umuo siya sa binata. Hindi pa man niya naririnig kay Zach na mahal siya nito, pero alam niyang malapit na. Malapit na siyang mahalin ng lalaki. Nararamdaman niya.
Ngayong araw ay may date sila ni Zach. Niyaya kasi siya nito kaninang umaga na mamasyal sa Intramuros. She had never been there kaya sobra rin siyang excited. Nagbihis siya ng puting T-shirt at pinaresan niya ng maong pants na medyo maluwang. Nagsuot din siya ng sumbrero at shades. Nakaupo siya sa sofa habang hinihintay niya si Zach. Sabi kasi nito ay malapit na siya.
Lumipas ang sampung minuto saka dumating si Zachary. Naka-puti rin itong T-shirt at naka-pantalon. Nakasuot din itong shades. Natawa sila pareho nang makita ang isa't isa. Parang pinagplanuhan kasi nila ang susuotin. Bagay na bagay nga sila.
"Hi, baba." Zach greeted Julia and gave her a tight hug and a kiss on her forehead.
"Baba, look oh, same outfit tayo. We're really meant to be." Masayang sabi ni Julia habang yakap-yakap pa rin siya ng lalaki.
"Yup. Match made in heaven. Are you ready, baba? Let's go?" Tanong ni Zach sa dalaga. Agad na tumango si Julia na halatang excited sa pupuntahan nila. Zach held her left hand while walking towards his car. Tinulungan din siya ni Zach na makapasok sa kotse saka sinuotan pa ng seatbelt.
"Thanks, baba. Parati mo nalang akong bini-baby. Pati pagsuot ng seatbelt, ikaw pa. Kaya ko naman to e." Sabi ni Julia nang tuluyang makapasok si Zach sa loob ng kotse at binuhay ang makina.
"Alam kong kaya mo. But I want to do it for you, even 'yong small things lang." He answered. Tapos tulad ng mga nakasanayan nila, kinuha ni Zach ang kamay ni Julia saka pinaglaruan ito habang nagmamaneho pa rin. Paminsan minsan ay hinahalikan nito ang mga kamay niya. Parati na itong ginagawa ni Zach tuwing nasa sasakyan sila kaya nasanay na si Julia. Pero hindi pa rin naaalis ang kilig na nararamdaman niya.
"I love you, Zach." She told him. Tumingin sa kaniya si Zach nang mabilis saka ngumiti at pinisil ang kaniyang kamay. Pero hindi ito sumagot. Napaisip tuloy si Julia kung bakit natahimik ang binata. Kadalasan kasi kapag sinasabi ni Julia na mahal niya ang lalaki. Parating "I'm getting there" ang sagot ng binata. Nagtataka siya kung bakit hindi nagsalita ang binata ngayon. Pero pinagsawalang bahala nalang niya ito. Ayaw naman kasi ni Julia na pilitin tanungin si Zach kung kailan siya nito mamahalin. She will just wait patiently and make sure to make him feel that she loves him so much.
Julia and Zach enjoyed their Intramuros date. Sobrang dami nilang napuntahan at naikot. Sobrang saya nilang dalawa. Lalo na at pinasara ni Zach ang buong lugar para hindi maisturbo ang kanilang pamamasyal. Baka kasi pagkaguluhan ang prinsipe kung sakali. At ayaw rin nilang mamasyal na may kasamang mga bodyguards.Halos apat na oras din silang naglibot, sumakay sa kalesa, kumain at kumuha ng maraming pictures. Nang magdilim na ay niyaya siya ni Zach papuntang San Diego Gardens. Magkahawak ang kamay nilang dalawa habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...