Hindi mapakali si Zach sa napanood sa kaniyang TV. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman. Tatlong taon na ang nakalilipas nang huli niyang makita si Julia. Ni isa sa kanila ay walang may alam kung nasaan ito. Sinubukan niyang tulungan maghanap ang pamilyang Lopez para makita si Julia ngunit tila mailap ang dalaga dahil kahit gaano karami ang ipinadala niyang tauhan para hanapin ito ay hindi nila ito makita. Tuluyan na lamang silang sumuko pagkatapos ng isang taon ng pagkawala nito.
Hanggang sa paggising niya kaninang umaga ay nakita niya ang balita kaugnay sa video recording ng dalaga. Nakita niya kung gaano bumuhos ang mga luha ng dalaga habang nagsasalita ito sa harap ng camera. Ang mga hikbi nito na tila sobrang bigat ng pinagdaraanan. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kumpara noong huli niya itong nakita. Mapayat na ito at may kaputlaan ang mukha at mga labi.
Bawat hikbi ni Julia ay parang tinutusok ang puso niya. Nasasaktan siya. Gusto niya itong yakapin. Gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya rito.
Simula nang mabalitaan niya kaninang umaga ang tungkol sa dalaga, ipinatawag muli ni Zach ang kaniyang mga tauhan para ipahanap si Julia at ang nag-upload ng video nito. Kinontak din niya ang pamilya nito sa Pilipinas. Kailangan nilang makita ang dalaga. Gusto niyang bumawi rito. Alam ni Zach kung gaano niya ito nasaktan, at sobra-sobra siyang nagsisisi.
Habang nasa opisina si Zach ay nakatulala lang siya. Nabaling lang ang atensyon niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kaagad niya itong sinagot nang makitang si Tim ito, ang kanang kamay niya.
"Hello, Tim," bati niya sa tumawag.
"Good evening, your highness, he uploaded a new video again. I'll send you the link," rinig niyang sabi ni Tim sa kabilang linya. Biglang kinabahan si Zach sa sinabi nito. Hindi na siya nakapagsalita pa, binaba na lamang niya ang kaniyang cellphone. Kaagad na binuksan ni Zach ang kaniyang laptop at hinintay ang email ni Tim.
Halos hindi siya makahinga nang matanggap ang email ng lalaki. With shaking hands, he slowly clicked the link and he was directed to the video.
JULIA LOPEZ - RECORDING 1. 'Yan ang title ng video. May haba itong 26 minutes. Huming nang malalim si Zach bago pinanood ang video.
***
"Uhm, pa'no ba 'to. Saan ba ako magsisimula? Uhm, wait lang. I'd like to give you a name. I'll take a breather first and then come up with a name---
---hello, Sammie. I'm very thrilled, what a lovely name I've come up with. Sammie means good listener. I know you'll listen to all of my rants. Ang hirap kasi na walang mapagsabihan ng sakit na nararamdaman mo. Parang sasabog ang puso ko. I'm sorry, Sammie, ang lungkot-lungkot ng buhay ko. I'm sorry kung 'yong maririnig mo ay lahat malungkot. Wait, I'm going to cry. Ano ba 'yan, naiiyak na kaagad ako. Wala pa nga---
---i'm back, Sammie. Sorry kung namamaga na ang mga mata ko. I don't want you to see me cry. But I'm okay now, magku-kwento na ako. Syempre dahil kabibili ko lang sa'yo, masaya muna ang kwento ko. Alam mo ba, close kami ng prince ng Venford? Hindi ka ba naniniwala sa akin? Totoo nga! Super love ko 'yon, e!"
"Good morning!" masayang bati ni Julia sa mga kasama niya sa bahay. Umagang-umaga ay good mood siya dahil nag-text sa kaniya ang crush niya. "Hello, yaya, good morning!" bati rin niya sa yaya niya. Ngumiti naman ang mga kasambahay na naghahanda ng pagkain sa mesa ng mga Lopez. "Good morning, mommy," bati niya sa mommy niya na masayang nakatingin sa kaniya.
"Ang saya naman ng baby ko." Her mom, Hope Lopez, hugged her. 'Yung daddy naman niya ay hinalikan siya sa pisngi.
"Hello, princess. Anong meron,p bakit ang ganda ng gising mo? Hindi ka yata grumpy ngayon," biro ng daddy niyang si Lake. Madalas kasi ay bad mood siya tuwing umaga dahil antok na antok pa siya. Pero hindi ngayon, dahil magkatext sila ng crush niya.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...