Chapter 15

238 12 15
                                    

Julia's hands were shaking while waiting for the result of her DNA with Elora and Lope Garcia, whom they said are her biological parents. Nasa tabi rin niya ang tinuring niyang mga magulang na sina Hope at Lake na hinihintay rin ang DNA result ni Kellan.



4 days ago, nagulat si Julia nang makatanggap siya ng tawag sa mommy niya. Nasa klase pa siya nang mga oras na 'yon. Nang marinig niya ang iyak ng ina sa kabilang linya ay pakiramdam niya ay alam na nito ang tungkol sa pagkapalit nila ni Kellan ng mga sanggol pa sila.



Hindi nga siya nagkamali. Her mom asked her to go home. Umuwi siya at naabutan ang magulong bahay. Nagwala pala ang ina nito. Naabutan din niyang parehong umiiyak sina Lake at Hope. Kinausap siya ng mga ito at sinabi ang mga posibleng mangyari. Hindi niya alam kung bakit walang alam ang magulang niya na alam na niya ang tungkol dito. Siguro hindi sinabi nina Atty. Larry na nauna nang sinabi ang totoo sa kaniya. Umakto nalang din siyang walang alam at nakiiyak kasama ni Hope at Lake.



Gumaan ang loob ni Julia nang marinig ang mga pangako nina Hope at Lake. Sabi nito kahit anong mangyari, anak pa rin ang turing nila kay Julia. Wala raw magbabago. She believes them. Alam niyang hindi nito babaliin ang kanilang pangako.



Katabi niya ngayon ang mommy Hope at daddy Lake niya. They are both holding her hands na para bang kinakabahan din sa resulta ng DNA. "Baby, 'wag kang matatakot. Nandito lang kami ng daddy mo." Paalala sa kaniya ni Hope. Ngumiti naman siya at hinigpitan ang hawak sa kaniyang mga magulang.



Lumipas ang limang minuto bago dumating ang doktor para ibigay ang resulta nila ni Kellan. Binigay ng doktor ang resulta niya kay Elora at Lope. At ang resulta ni Kellan kina Hope at Lake. Napatayo silang lahat habang hinihintay ang sasabihin ng doktor. Labis-labis ang kabang nararamdaman niya.



"I'm sorry to keep you guys waiting. Anyway, para malaman natin kung positive o negative ang resulta ng DNA nina Kellan at Julia, 23 highly polymorphic variable genetic markers were tested. For each one of these markers, a child will receive two different copies o alleles. One allele is inherited from the biological mother and the other from the biological father. We need to have all these 23 loci to match from the parents to the child. Kellan, your result shows 99.99% o lahat ng alleles ay nag match sa magulang mo na sina Hope at Lake. Julia your biological parents are Elora and Lope. 99.99% too as you can see in the result." Pagpapaliwanag ng doktor. Halos gumuho ang mundo ni Julia. Hindi siya makahinga kakaiyak. Napaupo siya habang tinitingnan ang resulta. Positive. Hindi niya totoong magulang sina Lake at Hope.



"Anak." Rinig niyang tawag ni Hope kay Kellan. Nagyakapan sina Hope, Lake at Kellan. Samantalang nakaupo lang siya at hindi alam ang gagawin. Lumapit sa kaniya sina Elora at Lope para yakapin siya.  Pero bakit gano'n? Bakit wala siyang maramdaman sa totoo niyang mga magulang? Bakit hindi niya matanggap na hindi siya totoong Lopez? Bakit ang sakit-sakit?



Napagdesisyunan ng kanilang mga magulang na iuwi muna sina Julia at Kellan sa totoo nilang magulang. Ayaw sana ni Julia. Ang gusto niya ay umuwi sa mansiyon nila at makasama sina Lake at Hope ngunit nahiya naman siya sa totoo niyang magulang. Ayaw niyang masaktan ang mga ito. Halata naman na kinukuha nito ang loob niya. Kahit na wala siyang maramdamang pagmamahal sa dalawa ay ayaw niyang masaktan ang mga ito. Naisip din niyang siguro kapag nakasama at nakilala niya ang mga ito nang matagal ay baka mapamahal din siya sa kanila.

Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon