"I need you to come home now, Matthew!" Napapitlag si Zach sa lakas ng boses ng ina niya. Galit na galit ito at pinapauwi na siya sa palasyo.
"Mom, I'm sorry. I can't go home yet. May mga kailangan pa akong ayusin dito---"
"Wala akong pakialam kung ano ang gagawin mo riyan! Umuwi ka na dahil kaunting kaunti nalang ang pasensya ko sa'yo! Nathalie called me last night and she wanted to cancel the wedding! Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo?!"
"I will call Nath later, mom. Mag-uusap kami."
"Siguraduhin mo na magkakaayos kayo ni Nathalie dahil siya lang ang babae na bagay sa'yo! Siya lang ang pakakasalan mo, wala nang iba!" Hindi na nakasagot si Zach dahil pinatay na ng ina niya ang tawag. Napamura siya sa inis. Ang dami-dami na niyang iniisip, gusto nalang niya matapos lahat ng ito.
"What happened?" Napalingon siya kay Jacob na nagsalita sa likuran niya.
"Let's drink." Aya niya sa kaibigan na mukhang nag-aalala sa kaniya.
"Bro, if you love Nathalie, go home and be with her. Alam ko naman na kahit wala ka rito, tutulungan mo pa rin kami sa paghahanap kay Julia."
"Naguguluhan ako." Maikling sagot niya.
"Matt, we talked about this 2 or 3 weeks ago. You still haven't made up your mind? Bro, you fucked up big time."
"I--- I already know what to do."
"E, kung ganoon, saan ka naguguluhan?"
"The feelings I have for your sister." Pag amin niya. Nagulat siya nang maramdaman ang kamao ni Jacob na tumama sa mukha niya. "What the fuck, dude?"
"Tarantado ka pala e! Ginago mo ang kapatid ko tapos ngayon sasabihin mo na naguguluhan ka sa feelings mo sa kaniya?" Galit na sabi ni Jacob.
"I know, I'm sorry. It's just that the look she had in her eyes when she talked about her experiences... I don't know, I can't explain. Mahirap i-explain. I wanted nothing more than to make her happy. I wanted nothing less for her than whatever her heart ached." Seryoso niyang sabi habang tinitingnan niya si Jacob sa mata.
"Tangina mo pa rin. Ayusin mo, Matt. Kasi kapatid ko ang pinag-uusapan natin dito."
"Bro, I'm fucking serious. To watch her go through that obstacles, putangina, ang sakit. Ang hirap tingnan. I was in pain knowing that she's in pain. I wish I was there with her noong mga panahon na nahihirapan siya. I wanted to be there for her now, kaya gustong gusto ko siyang mahanap. I have known her for years, and for the first time, noong lumabas ang video niya, I noticed her eyes... her beguiling eyes, and I just knew... she is it. She is it for me." Napangiti siya sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Sa wakas ay natauhan din siya na si Julia nga ang mahal niya. Mula noon hanggang ngayon. Tanga lang siya para hindi maramdaman na sa loob ng maraming taon na nakasama niya si Julia, hindi pala pagmamahal ng isang kaibigan ang nararamdaman niya para rito. He realized that he never wanted anyone else but her. He loves her more than anything else in this world. But he was fooled by some people around him. Naniwala siya sa kanila imbes na sa babaeng mahal niya.
"Now, you're telling me you love my sister? You're fucking unbelievable!"
"Stop telling me I can't love Julia, Jacob. Bakit ikaw, nasaktan mo rin naman si Julia, ah! Kwinestyon ba kita? Did I ever doubt your feelings for her? Pareho nating nasaktan si Julia, pero 'wag mong ipagkait sa akin na mahalin siya. Dahil 'yon talaga ang nararamdaman ko!"
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...