Chapter 34

296 11 13
                                    

"Kailan ka ba gagraduate, Stellum? Malapit na ba?" She asked, cutely. Kumakain sila ni Stellum ngayon sa condo niya.



"3 years from now, baby." He answered.



"Hala, malapit na! I'm so proud of you, Stellum. I know na there are times nahihirapan ka pero alam kong kaya mo 'yan. Si Stellum ka e, lahat kaya mo."



"Thanks, baby. Kapag naging abogado na ako, ipagtatanggol kita sa kanilang lahat. Ako ang magiging official attorney mo."



"E, wala naman akong pambayad sa'yo." Napanguso siya.



"Bakit naman kita sisingilin? E, bestfriend kita?"



"Promise, you'll defend me, Attorney?"



"I promise, Jia. Ako ang makakalaban nila kapag may umaway sa'yo."



Mas lalong naiyak si Julia sa naalala niyang usapan nila ni Stellum. Hindi siya makapaniwala na galit ito sa kaniya ngayon. Ito kasi ang huling taong maiisip niya na iiwan siya. Stellum has always been a great friend. Simula noong mga bata pa lang sila, kakamapi na niya si Stellum. Kaya nahihirapan siyang tanggapin na nagbago na ang turing nito sa kaniya.



Simula nang makauwi siya sa condo niya, iyak lang siya nang iyak. Sinubukan niyang tawagan si Zach dahil kailangan niya ito ngayon pero hindi ito sumasagot. Sa halip ay nag padala ito ng text sa kaniya.


Agad niya iyong binuksan nagbabakasakaling ikagagaan 'yon ng loob niya pero mukhang nagkamali siya.



From: My prince

I'm sorry. I'm calling off the wedding.



Tama ba ang nabasa niya? Hindi na matutuloy ang kasal nila ni Zach? Ano ba 'to? Ano ba ang nagawa niya para pahirapan siya nang ganito. Bakit sunod-sunod nanaman ang problema niya? Hindi pa nga niya napoproseso ang nangyari kanina tapos heto nanaman.



Julia decided to go to Zach's house. Magbabakasakali siya kung nandito na ito sa Pilipinas. Nasasaktan siya na sa ganoong paraan lang nito ikinansela ang kasal nila. She deserves better. Una sa lahat, ito ang nag-aya sa kaniya ng kasal. Kahit na wala itong ibinigay na singsing sa kaniya, naniwala siya na papakasalan siya nito. But he lied!



Nangako ito na kahit anong mangyari, papakasalan siya nito. Sinungaling ito! She believed him! She trusted him so much! Pero ni isa wala itong tinupad na mga pangako nito sa kaniya. Siguro ay nagkabalikan ito at si Nathalie. 'Yon naman siguro ang totoong rason kung bakit siya nito inayang magpakasal, para maging panakip butas.



Gustong gusto niyang magalit kay Zach pero wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Una palang, alam na niyang masasaktan siya nang ganito pero sumugal pa rin siya!



Nang makarating si Julia sa mansyon ni Zach, agad niyang kinausap ang security para makapasok siya sa loob. Dahil kilala naman siya ng mga ito, sinamahan siya ng isang guard sa garden dahil nandoon daw ang mga bisita.



"Ano pong meron, kuya? Bakit may mga bisita?" She asked. Wala siyang kaide-ideya sa mga nangyayari.



"Kayo na lang po ang tumingin."



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon