Chapter 10

212 6 8
                                    

Julia is so happy with her life now. Sa totoo lang ay masaya ang puso niya ngayon. Nagiging positibo na ulit siya sa buhay. And that's all because of Joshua. Simula nang dumating ito sa buhay niya, parati nitong pinaparamdam kung gaano siya ka-espesiyal. Walang araw na pinaramdam nito na hindi siya mahalaga. In a span of 5 months after Josh came into her life and 9 months since Zach left her, she can say that she's now ready to commit and fall in love again.



Josh made her realize na hindi lahat ng tao ay lolokohin ka. He stayed with her noong mga panahong umiiyak siya kapag naaalala niya si Zach o ang mga ginawa ni Tristan. Parati niyang sinasabi na may kulang sa kaniya. Na may mali sa kaniya. Pero hindi pinaramdam 'yon sa kaniya ni Zach. Nandoon lang siya sa tabi ng dalaga, niyayakap at binubulungan ng mga salitang magpapagaan sa loob niya. And she appreciates it a lot.



Alam niyang ang unfair no'n para kay Josh na hindi niya maibalik ang pagmamahal nito sa kaniya dati pero ni minsan wala siyang narinig na reklamo sa lalaki. Instead, he worked hard to get her trust. At nagbunga nga iyon.



Unti unting nakamove on ang dalaga at hindi na rin siya umiiyak gabi-gabi bagkos ay araw-araw na siyang naka-ngiti. He fulfilled his promise that he will help her move on. Ngayon, alam ni Julia sa sarili niya na hindi pa man siya 100% na nakamove on pero masaya na siya at handang handa nang magmahal ulit.



Hindi niya makalimutan ang sinabi ni Josh sa kaniya. "Don’t close your heart in the possibility of falling in love again. Oo nga at nasaktan ka. Iniwan ka. Pero hindi lahat ng tao gano'n ang gagawin sa'yo. Learn to trust again. Learn to commit again."



Masaya siya na pinahintulutan ulit siya ng panginoon na makaahon sa lahat ng sakit. At makakilala ng ibang tao na itinadhana sa kaniya. Ngayong araw, plano niyang sagutin si Josh. May date kasi sila ngayon at gusto niyang pasayahin ang binata sa pagsagot niya rito. Alam niyang para sa iba maikli pa ang limang buwan ng panliligaw pero naisip niya na mas makikilala nila ang isa't-isa kung magiging sila na.



May takot pa rin siyang nararamdaman. 'Yong baka kung kelan na niya sasagutin ay baka may iba na pala. O 'di kaya baka kung sila na baka maghanap naman ito ng iba kasi hindi siya sapat. Hindi mawawala 'yong takot. Pero kinakaya niyang labanan kasi may tiwala siya sa lalaki.



Nakaupo si Julia ngayon sa sofa ng mansion nila habang hinihintay si Josh. Katabi niya ang mommy at daddy niya na excited na rin na makita si Josh. Pinakilala na ni Julia ang lalaki sa kaniyang mga magulang at masaya siya na nagustuhan ito nina Lake at Hope. Sabi ng mga ito, magalang at maaalahanin daw ang lalaki at halatang mahal daw nito si Julia.



"You look beautiful, baby." Her mom complimented her. Naka-black dress siya na below the knee at nakaitim na stilettos. Pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to para sa mahalagang araw.



"Thank you, mommy. Ito po 'yong binili natin last week no'ng nag-shopping tayo." She replied.



"I'm happy to see you this happy, baby. I like Josh for you. He makes you smile. Nakikita ko kung paano ka niya alagaan. Tapos simula nang makilala mo siya, dito ka na umuuwi parati. Hindi mo na nga dinadalaw ang condo mo e. Tapos parati na ulit tayong nagbabonding." Sabi ni Hope na naluluha pa.



"Mommy." Julia went towards her mom and hugged her.



"Masaya lang ang mommy mo, princess. That's all we want for you... happiness." Sabi naman ng kaniyang ama na si Lake. Niyakap siya ng mga ito at niyakap din niya ito pabalik. Naputol lang ang yakapan nila nang dumating na ang kaniyang hinihintay na si Josh. Naka-formal suit din ito. Sobrang gwapo. Kaya pinagtitinginan sila parati e. Dahil sobrang gwapo ng kasama niya. Kahit sa school nila ay parating napapalingon sa kanila ang mga babae. Kung sabagay, sikat nga pala si Josh. Kasama kasi ito sa basketball team ng school nila.



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon