**7 months later**
"It's getting late, Sammie. Nasaan na kaya si Zach? We have a date today, e. Sabi niya kakain kami sa labas. I've been texting and calling him pero hindi niya sinasagot. Magkasama kaya sila ni Nathalie? Ah, Julia, ano ba! 'Di ba bawal na magselos?" Napahilamos ng mukha si Julia habang nakatingin pa rin sa videocam niya. "I don't want to feel this anymore. Ayokong magduda dahil may tiwala ako sa kaniya pero masakit na kasi. Palagi na lang bang ganito? Ako nga ang fiancé iba naman ang mahal." Naiyak si Julia sa naisip niya. Simula nang umuo siya kay Zach na magpakasal sila, akala niya ay magiging okay na ang lahat pero nagkamali siya.
Siguro noong una, oo. Okay pa sila ni Zach. Pero simula nang tumira rito si Nathalie 2 months ago, nagbago ang relasyon nila ni Zach. Julia knows that Zach still loves Nathalie. Kahit hindi nito sabihin, nararamdaman niya. Pero patuloy pa rin siyang kumakapit sa pangako ni Zach 7 months ago when he asked her to marry him inside the car.
"Tama naman ang ginawa ko 'di ba, Sammie? I love him and I want to marry him. Alam kong maraming magsasabi na ang tanga ko para pumayag pero ang hirap ipaliwanag na ginawa ko 'yon para sa sarili ko. Kahit minsan lang, gusto kong maging selfish. Kahit alam kong mahal pa ni Zach si Nathalie, umuo pa rin ako dahil naniniwala ako na kaya kong turuan si Zach na mahalin ako. We were doing okay for the last 5 months. Sobrang saya namin. Akala ko ako na 'yung laman ng puso niya pero hindi. Sammie, I just want to marry him. Kasi gusto kong magkaroon ng sariling pamilya kasi matagal ko nang hindi nararamdaman 'yon. I want to marry him kasi ayoko nang mag-isa. May kasama na ako na alam kong hindi ako iiwan. I thought I'm living in a fairytale world already but Nathalie came. Palagi na siya ang una sa lahat. Ako? Maghihintay ako kung kailan sila matatapos o kung may sobrang oras pa para makasama ko si Zach. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin pero ayokong sumuko. Hagga't hindi si Zach nagsasabi na ayaw na niya, hindi ako bibitaw."
"Julia?" Napapunas agad si Julia ng luha niya saka ipinatay ang videocam niya nang marinig ang boses ni Zach. "Hey."
"Hi, baba." She stood up and went towards Zach. Niyakap niya ito. "Aalis na ba tayo?"
"Oh, about that, baba. Uhm, 'di ba naikuwento ko sa'yo na nahihirapan si Nathalie sa mga subjects niya? Uhm, magkikita sana kami ngayon. Puwede bang bukas na lang tayo mag date?"
"Ah." Bumagsak ang balikat ni Julia. Hindi pa siya nasanay na parati namang ganito ang nangyayari. "Sige, okay lang."
Hinalikan siya ni Zach sa noo. "Thanks, baba. I'll get going. Matulog ka na, okay?"
Julia nodded her head. "Mag-ingat ka sa pag-drive, ha. I love you." Ngumiti lang sa kaniya si Zach bago tuluyang umalis ng condo niya.
He didn't even say it back. Matagal nang umamin si Julia kay Zach na mahal niya ito pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakukuhang sagot rito.
"Matulog na? Hindi pa nga ako kumakain kasi hinihintay kita, e." Napanguso si Julia saka nagbukas ng cup noddles para kumain. Ayaw niyang masira ang gabi niya. Ayaw niyang isipin ang dalawa 'yon..
Kinabukasan, sinundo siya ni Zach sa klase niya. Hindi niya maiwasang kiligin. Sobrang saya na niya sa simpleng ganoon na ginagawa ni Zach.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...