Chapter 12

214 9 8
                                    

Life must go on para kay Julia. Hindi siya pwedeng sumuko at magmukmok kahit na labis siyang nasasaktan. Alam niyang hindi pa natatapos ang buhay niya dahil sa nangyari. Kaya kailangan niyang magpakatatag.



Tatlong linggo na ang nakalilipas simula nang maghiwalay sila ni Josh. Mahirap pero sa awa ng Diyos ay kinakaya naman niya ang mga pagsubok.



Mas lalong dumoble ang hirap na naramdaman niya nang ipagkalat ni Josh sa eskwelahan nila na niloko niya ito. Halos lahat ng estudyante ay pinagtitinginan siya at pinagbubulungan na isa siyang malandi, makati at manlolokong babae.



Naalala niya noong kinaumagahan nang magbreak sila ni Josh, pumasok siya sa eskwelahan ngunit hinarang siya ng tatlong babae na fangirls daw ni Josh. Ang isang babae ay hinila ang buhok niya. Ang isa ay kinalmot kalmot siya. Ang isa naman ay pinagsasampal siya.



Nakakahiya dahil napakaraming tao ang nandoon. Pinagtitinginan sila habang kinakawawa siya ng tatlo. Pero ni isa ay wala sa kaniyang tumulong bagkos ay pinagtatawanan pa siya ng mga ito at sinabing tama lang ang nangyari sa kaniya kasi niloko niya si Josh.



Hindi na siya pumasok ng araw na 'yon kasi hindi lang pisikal ang masakit sa kaniya kundi durog na durog din ang puso niya. Gusto niyang lumaban pero hindi niya magawa. Mag-isa lang siya and she was thin and weak.



Hindi nawala ang balita sa kaniya ng mga sumunod na araw. Kilalang kilala na siya sa school nila. Hindi bilang isang sikat na modelo kundi bilang maduming babae.



Pinahinto rin muna siya ng management para mag modelo dahil sa daming negatibong balita sa kaniya. Hindi raw niya natutulungan umangat ang kompanya kung saan siya naka kontrata.



She also tried contacting Josh. Gusto lang niyang malaman kung bakit gano'n ang sinasabi sa kaniya ng mga tao. Natawagan niya ito ngunit nagsisi siya. Sana pala ay hindi nalang niya ginawa. Sabi ni Josh, athlete siya, hindi pwedeng masira ang pangalan niya dahil pwede siyang makick out sa team nila. Kaya mas okay na raw na si Julia ang masira 'wag lang si Josh. Nagbanta rin itong 'wag ipagsabi sa magulang niya ang nangyari dahil makapangyarihan ang pamilya ni Julia at baka ipatanggal siya.



Bakit gano'n? Bakit kailangan siyang siraan? Hindi naman ni Julia ipagkakalat na niloko siya ni Josh e. She loves him and she will never do something that can hurt him. Siguro nga hindi talaga siya minahal ng lalaki para gawin ito sa kaniya.



Naghanda na si Julia para umuwi sa mansyon nila. Sa nakalipas na tatlong linggo ay sa condo siya ulit natutulog. Umuuwi lang siya ng mansyon tuwing Sabado't Linggo. Nagtataka na rin ang mga magulang niya kung bakit bumabalik nanaman siya sa dati kaya naisip ni Julia na sabihin na sa kanila ang lahat ngayon. She wanted someone to listen to her at alam niyang ang pamilya lang niya ang makikinig sa kaniya. Wala siyang pakialam kahit magalit si Josh sa kaniya. This time, uunahin naman niya ang sarili niya.



Habang nagmamaneho pauwi ay ramdam na ramdam ni Julia ang kaba niya. Kinakabahan siya kung paano niya sasabihin sa mga magulang niya ang nangyari sa kanila ni Josh. Baka kasi alam na rin nila ang nangyari. Tumawag kasi ang ina nito kagabi at parang may nagawa siyang mali base sa tono ng pananalita nito.



Posibleng dahil sa grades niya. Kasi marami siyang nabagsak na exam at quizzes sa nagdaang linggo. Hindi rin siya nakakapag-submit ng project on time. Kaya naapektuhan talaga ang mga grades niya. Aminado naman si Julia na napabayaan niya ang pag-aaral niya. At determinado siyang bumawi.



Blinded by HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon