"Gising na siya, Matt."
Iyon lang ang mga salitang sinabi ni Jacob sa kaniya sa tawag kagabi at dali-dali na siyang bumiyahe pauwi ng Pilipinas. Julia wakes up from a coma. And he's so happy.
"Matt?" Nagulat si Zach nang bumukas ang pinto at lumabas si Jacob. Kanina pa siya nasa labas ng pinto ng kuwarto ni Julia at kumukuha ng lakas ng loob para pumasok.
"Hey." He greeted back.
"Kanina ka pa dumating? Get inside. She's waiting for you."
"Tangina, kinakabahan ako." Napahilamos si Zach ng mukha. "How is she?"
"She's fine now. Sabi ng mga doctor, okay naman ang mga test niya. Nakatulong daw ang pagkausap natin sa kaniya. She will undergo physical therapy to improve her motor skills and to stimulate brain function." Sabi ni Jacob na nakapagpatango sa kaniya. "Pumasok ka na. Nandoon kaming lahat nang magising siya. Alam kong hinahanap ka niya. Hindi man niya sabihin, nakikita ko sa mga mata niya."
"How did she cope up with everything?"
"She's different now. Sobrang ibang-iba sa masayahing Julia. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero alam kong naguguluhan siya. Hindi pa namin sinasabi lahat sa kaniya, kasi sabi ng mga doctor, 'wag daw siyang biglain dahil hindi pa siya fully recovered."
"I see. Sinong tao sa loob? I'll get inside now."
"Pumasok ka na, walang tao roon. Pinagpahinga ko muna sina mommy. Babalik 'yon mamayang hapon. Tutal nandito ka na rin naman, uuwi na muna ako. I'll take a bath first. Babalik na lang ako mamaya kasama nina mommy."
"Okay. Ako na ang bahala kay Jia."
"Please, take care of her." Sabi ni Jacob. Nag bro hug sila bago umalis ang binata. Makailang beses si Zach bumuntong hininga bago pumasok sa loob.
Naabutan niya si Julia sa loob na pilit na bumabangon sa pagkakahiga. Nakita niyang nahihirapan ito dahil panay ang pikit ng mata kapag pumipuwersa. Agad siyang napatakbo para tulungan itong makaupo sa kama. Hinawakan niya ang braso at likod nito para makaupo nang maayos.
Julia looked and stared at him for a moment. Natulala rin siya nang makita ang mukha ng dalaga. She looked tired and in pain but she's still beautiful. Tangina, bakit sinaktan niya ang babaeng ito? She looks like an angel.
Walang nakapagsalita sa kanilang dalawa. They are just both looking at each other. Si Zach, gustong gusto niyang yakapin ang dalaga pero parang nanigas siya sa kinatatayuan niya. Seeing her expressive eyes again, made his heart melt.
"Baba." That was the first word that came out from his mouth. Sinubukan niyang lumapit pa lalo kay Julia para yakapin ito pero nagulat siya nang lumayo ito sa kaniya. Bigla itong nanginig sa takot at sunod-sunod na pumatak ang mga luha.
"Please!" Julia cried out. "Please, don't touch me! Don't come near me, please!" Sunod-sunod na sigaw nito. Halatang halata na takot na takot ito sa kaniya. It breaks his heart to see her like this. To see how much her behavior changed towards him.
"Baba..." Zach tried to hold her hand but Julia kept on pushing him away. He gave up. Dahil nakikita niya ang takot sa mga mata nito. He didn't want to push himself towards her. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit naging ganito ang turing sa kaniya ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...