"Ate, magkano po ang isang kanin at isang kalabasa po?"
"55 lahat." Napatingin si Julia sa laman ng pitaka niya. Bente na lang ang mayroon siya. Kulang para sa pagkaing napili niya. Napabuntong hininga si Julia saka kinuha ang bente sa pintaka niya.
"'Wag na lang po, ate. Yosi na lang po. Apat." Ibinigay ni Julia ang bente niya sa tindera pagkatapos nito ibigay sa kaniya ang apat na yosi. Maingat siya na 'wag makilala ng tindera dahil ayaw niyang lumabas sa balita na naninigarilyo siya. Ayaw niyang madumihan nanaman niya ang pangalan nina Hope at Lake.
Gutom na gutom na si Julia at wala siyang pera pambili ng pakain. Isa lang ang alam niyang paraang para mawala ang gutom niya. Yosi.
Nabasa niya sa isang article na nakawawala ng gutom ang yosi. She tried it several times already and it worked for her. Minsan, natutulog siya na walang laman ang tiyan niya. Hindi na niya iniisip na masama ang paninigarilyo sa kalusugan niya. Dahil kung iisipin niya pa 'yon, mamamatay siya sa gutom.
Nothing left on Julia. Maging si Seth at Stellum na kasa-kasama niya dati ay nawala na sa kaniya. Seth married the love of his life and she couldn't contact Stellum. 6 months after she came home from Canada, mas lumala pa ang kalbaryo ng buhay niya.
Julia is suffering financially. Minsan ay isang beses na lamang siyang kumakain sa isang araw. Nagtatrabaho pa rin siya bilang katulong pero kulang na kulang pa rin iyon sa pang tustos ng pangangailan niya sa eskwelahan.
She is mentally and physically suffering too. Hirap na hirap na siya. At kung puwede lang sumuko ay ginawa na niya. But she couldn't dahil alam niyang habang humihinga siya ay hindi pa natatapos ang laban niya.
Umupo si Julia sa swing sa parke na pinuntahan niya. Doon niya sinindihan ang yosi saka roon siya nanigarilyo.
"That's okay, Jia. Mamaya ay sasahod ka na. Makakabili ka na ng totoong pagkain. Kaunting tiis lang muna." Pagkausap ni Julia sa sarili niya.
Ibang-iba na ang buhay niya noon sa buhay niya ngayon. Mahirap man isipin pero matagal nang nagbago ang lahat. She missed her family so much. She missed Stellum and Seth. She missed Zach too. She missed her life before.
Agad na tinapos ni Julia ang paninigarilyo niya dahil malele-late na siya sa trabaho. Ayaw niyang masigawan ng amo niya na paborito yata na pagalitan siya.
Alas otso ng umaga nang makarating si Julia sa bahay ng amo niya. Agad siyang naglinis ng bahay saka naglaba. Bandang alas singko ng hapon nang ipatawag siya ng babaeng amo niya.
"Ma'am Lucille, tawag niyo raw po ako?" Bati niya sa matandang intsik. Halos mapasigaw naman si Julia nang tumama ang kamay nito sa pisngi niya. She slapped her, hard.
"What did you do to Monique's clothes!?" Sigaw ng amo niya sa kaniya. Si Monique ay ang anak nito na babae.
BINABASA MO ANG
Blinded by Hate
Teen FictionJulia Melissa Lopez was born with a silver spoon in her mouth and has never done a hard day's work in life. She was tagged as a spoiled brat who was outgoing, mean, and self-centered. In other words, a complete opposite of a princess. Her ultimate d...