LETTING GUARDS DOWN
Lorenzo
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Pagkauwi namin mula sa gala ay nag-inuman pa nang kaunti. Pinauna ko na si Ardent sa kwarto namin dahil pagod na raw ito. Si tito Arturo nama'y dumiretso sa ospital kasama ang ilang tauhan para samahan si Don Aurelius.
Nandito kami ngayon sa may veranda, naka-suit pa rin kaso napaluwagan na ang kwelyo at tie.
"Papa just texted. Lolo's fine" sambit ni kuya Arvin. "Masyado lang sigurong kinabahan kanina."
"Sino bang hindi?" tanong ko. "Grabe ang nginig ni Ardent kanina. To think na kinamumuhian pa niya ang Saavinum. Paano pa kaya si Don Aurelius na buong buhay ang kumpanya."
"Oo nga, eh." sang-ayon niya. "Speaking of Ardent, he really did great. Years of being lolo's pet have paid off."
"Yeah," si kuya Arvin. "Sobrang napahanga niya ako. He was really deserving to be the sole heir of Saavinum."
"Except that he didn't want it." sabat ko pagkainom ng whiskey. "We're planning to have a simple life. I don't want to take him away from all of you but that's what we really wanted. To be in Rivamonte."
Hindi ko sila tiningnan nang sabihin ko iyon. Nakatingala lang kami sa langit pare-pareho pero alam kong nakikinig sila.
"I've always been his protector." si kuya Austin. "You took that away from me and I couldn't say I'm happy you did because he was never a burden. But I'm happy thinking that he found someone he could trust. I'm happy that he's feeling the same feeling I've felt with Gavin." tinignan niya ako nang sinsero. "Before, hindi talaga kita nagustuhan para sa kanya. Both of you are too young. Tapos parang sobrang baliw niya sa'yo noon. Ayokong nakikita siyang mahina pero mas ayoko pala siyang makitang malungkot. I know that you're his happiness. And I trust you."
Napangiti ako sa sinabi ni kuya Austin pero yumuko ako para itago iyon. Napakasarap sa pakiramdam na may basbas na ako mula sa pamilya niya.
"Salamat kuya." sinsero ko ring sambit.
"You made me sound like a bad brother naman!" biro ni kuya Arvin.
"You are!" pabirong sagot rin ni Austin. "You've been in LA for all his life."
"Huwag mo naman akong siraan sa future bayaw natin." napangiti rin ako sa sinabi ni kuya Arvin. "It was my way of getting away from Aurelius kasi." kwento niya sa'kin. "I was his first pet so I made my own way of getting away from him. Sadly, he saw something in Ardent. Siya tuloy ang nagdusa sa bagay na tinakasan ko."
"It's not your fault kuya," si kuya Austin. "Iba lang talaga ang paraan ng pagpapalaki ni lolo sa ating mga apo niya. Lalo na sa mga napupusuan niyang sumunod sa yapak niya."
"Hindi niya deserve ang mapahirapan ni Don Aurelius habang lumalaki. Pero isa yun sa dahilan kung bakit niya ako nakilala, kung bakit siya napunta sa'kin." sambit ko.
Napatango si kuya Austin sa sinabi ko.
"You know what he deserves?" tanong ni kuya Arvin. "A happy and simple life with you." sambit niya. "If he wants to have that then I'll be more than happy to accept his responsibilities in Saavinum."
"That's good because I want to focus on my family." si kuya Austin.
"Salamat kuya." sambit ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ang dalawang message mula kay Brando at tito Arturo.
Tito Arturo:
Brando have something to say. Call him.Brando:
Nandito na kami.Tumikhim ako bago nilagok ang laman ng baso ko.
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...