Kabanata 14

3.8K 315 83
                                    

COLD SHOULDER

Ardent


"Ardent, calm down okay?" pilit akong pinapakalma ni kuya Austin. "Now, tell me what's your problem." even hearing my kuya Austin's voice can't calm me down now.

"My problem is I'm stucked here in this filthy place! You told me na kukunin mo ako dito. Kuya, mag-iisang buwan na!" sigaw ko.

I can see my lola on her office table acting calm but the way her fingers tremble as she raised the cup of coffee told me otherwise. I know I'm terrifying when I act like this but I don't care anymore.

"I'm still talking to dad, okay? I'm convincing him to pull your punishment. Just wait for a little bit more." suyo niya.

"Apo, if this is about your boyfriend. Let's talk about it calmly." singit ni lola.

"Boyfriend?" kuya asked. "Sinong boyfriend? Don't tell me you already have someone—"

"I don't have a boyfriend!" sigaw ko.

"Okay, you don't. Just calm down." suyo niya ulit.

"Now, will you come and get me or what?!" tanong ko.

"I'll try to talk to dad—"

"Bullshit!" sigaw ko sabay hampas ng telepono sa table.

Napaigtad si lola sa ginawa ko. Dire-diretso akong lumabas ng office niya at nagkulong sa kwarto. Tinanggal ko ang damit na suot ko dahil alam kong kay Lorenzo 'to. Pati ang bracelet niya na lagi kong suot ay tinanggal ko rin.

Iniinsulto ba niya ako?

Habang iniisip ko kung paano niya ako itanggi kahapon ay naiiyak ako pero kapag naaalala ko ang litrato sa cellphone na binigay niya sa akin ay wala akong ibang maramdaman kundi galit.

Ilang beses lang ako kung magwala at alam kong natatakot ang mga taong nakakakita sakin tuwing ginagawa ko iyon. Unang beses ay nung matalo ako sa quiz bee nung elementary. Kahit sina mama ay hindi alam ang gagawin nang pinagbabato ko lahat ng mahawakan ko. Tanging si kuya Austin lang ang nakapagpakalma sakin. Pangalawa ay nung plinano ni lolong itransfer ako ng school para malayo kay Chris nang malaman niyang may relasyon kami. Iyon ang unang beses na nakita kong natakot si lolo at iyon rin ang simula ng pagdistansya niya sa'kin.

Ngayon ang ikatlong beses at ang pinakabayolente. Halos matamaan ko lahat ng nagtangkang lumapit sa'kin ng walang hawak na telepono.

Nagwawala ako kanina dahil gusto kong pakalmahin ako ni kuya Austin. Pero kahit narinig ko na ang boses niya, hindi pa rin ako kumakalma. At iyon ang kinabubwisitan ko hanggang ngayon.

Why can't no one calm me down? Why is kuya Austin irritating me too? He was supposed to be the person who could make me calm.

"Tangina!" sigaw ko sabay hampas ng unan sa sahig.

Pumunta ako sa vanity mirror at winalis gamit ang kamay ko ang lahat ng nasa ibabaw ng desk nito.

"Ardent?" tawag ni Amy mula sa labas.

"Huwag mo akong istorbohin kung ayaw mong mukha mo ang basagin ko." I warned her.

"Baby." natigil ako sa pagbabasag nang marinig ko ang boses niya. "Papasok ako."

Nang mabuksan ang pinto ay dahan-dahang pumasok si Lorenzo na mukhang sobrang nag-aalala.

Pagkakita ko pa lang sa kaniya ay naiiyak na naman ako.

"Ba't kayo nagpapapasok ng kung sinu-sino, Amy?!" tanong ko kay Amy na nagtatago sa likod ng pinto.

"Lasing pa ata kuya Enzo." bulong niyang rinig na rinig ko.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon