WHAT HAVE YOU DONE
Ardent
"Bumisita raw ang lolo mo sa hacienda, Ardent?" tanong ni tita Lydia habang kumakain kami.
"Opo, may gusto pong ipaasikaso sa'kin."
"Kwento ni kuya, mabait daw." si Lauren.
Tinaasan ko naman ng kilay si Lorenzo.
"Mabait?" tanong ko.
"Mabait raw pero nangangatog yung tuhod pag-uwi niya." panukso ni Luis.
Inambahan naman siya ni Lorenzo ng tinidor.
"Mabait naman talaga." pilit ni Lorenzo.
"Ganun talaga si lolo. Don't mind him."
"Anong sinabi pagkaalis ko?" usisa ni Lorenzo.
Nang lingunin ko sina tita Lydia ay nakaabang sila sa sasabihin ko. Lorenzo's family is so kind to me na kahit gusto kong magsinungaling para hindi sumama ang loob nila ay hindi ko kaya.
"Well," nag-atubili ako pero pinili ko pa ring sabihin ang totoo. "Lolo doesn't like you not because you are Lorenzo del Riva but because you're my boyfriend."
"Kuya Ardent, tagalog nga." natawa ako sa request ni Lauren.
"Ayaw niya kay Lorenzo dahil boyfriend ko siya. Kahit maging kasing pogi mo pa si Chris Evans o kasing yaman ni Bill Gates, hindi ka pa rin magugustuhan ni lolo dahil boyfriend kita." paliwanag ko. "Kaya huwag kang mag-alala sa mga sinabi niya. Hindi ko yun dinamdam kaya huwag mo ring damdamin."
Hinaplos ko ang pisngi niya pagkasabi ko nun. Hinawakan naman niya ang braso ko at hinalikan.
Liningon naming pareho si Lauren nang marinig namin ang shutter ng camera niya.
"Kyaaaaaaaahhhhh! Popost ko to!" sigaw ni Lauren.
"Lauren, sabing bawal ang cellphone sa hapagkainan." pangaral ni tita Lydia.
Paglingon ko kay Ardent ay nakangiti na siya.
"I love you." sambit niya sabay nakaw ng halik.
"Lorenzo, kumakain naman tayo." paalala ni tita.
"Ayoko nang kumain, nakaka-umay 'tong dalawa." biro naman ni Luis.
Palihim na sinipa ni Lorenzo ang bunsong kapatid sa paa. Pero dahil sa laki ng paa niya ay naalog ng bahagya ang lamesa.
"Nay, nananakit si kuya!" sumbong ni Luis kahit nahalata na namin.
"Tumigil na nga kayo. Hindi na kayo nahiya sa bisita."
"Pakielamero kasi 'to." pikon namang dinuro ni Lorenzo ang kapatid.
"Kita mo kuya Ardent?" tanong ni Luis sa'kin. "Nananakit yan. Sasaktan ka rin niya, 'ta mo"
"Talagang." napatayo na si Lorenzo sa inis.
Kung makapambully siya sa kapatid, sobra-sobra pero kapag siya ang binully, pikon.
.
.
.Pagkatapos maghugas ng pinggan ay dinaluhan kami ni Lorenzo sa panonood. Kinakalikot ko lang ang IG acct. niya habang nanonood naman si Luis ng WWE.
"Hoy, yang remote nga bansot." utos ni Lorenzo kay Luis.
"Nanonood naman ako." reklamo ni Luis.
"Manonood kami ng kuya Ardent mo. Amin na."
"Hindi naman ako nanonood baby, okay lang." salungat ko.
"Oh 'ta mo."
"Walang magce-cellphone," hinablot niya ang cellphone niya mula sakin at nilapag sa coffee table. "Baby time is baby time."
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...