COMING BACK
Ardent
It became a very long night. Na-warningan ang lahat ng team na kasali sa gulo. The teacher in-charge also scolded us. Jean's group together with the senior highs smirked when the teacher told me to stay after. Pinangaralan pa nila ako ulet na para bang bingi ako sa unang pangaral nila. Probably because binabantayan pa ako because of my actions on my previous school.
After the long rant of the teacher ay nakahinga ako nang maluwag. Dinismiss rin naman ako agad pero nang tignan ko sa phone ko ay mag-ieleven na. Nadaanan ko ang ilang scouts na nakakalat sa paligid at nagbabantay ng mga campers na lalabag sa curfew.
"Diretso sa tent Montecido." a scout ordered authoritatively. "Baka may gapangin ka pang tent." biro niya kaya nagtawanan sila ng mga kasama niya. "O baka mamaya, mag-aya ka ng scout sa likod ng school."
"Whoooaaa!" hiyaw ng mga kasama niya. Nakipag-apiran pa ang bastos na scout sa mga kasama.
Tumigil ako sa harap nila at hinalukipkipan. Masyado akong bad mood para ignorahin ang pambabatos nila.
"Yes I'm gay, but it doesn't mean na kahit sino na lang na may titi at itlog ay papatusin ko." pagsusungit ko. "Don't flatter yourselves. I have standards and sadly, hindi kayo umabot sa kalingkingan ng mga taong natitipuhan ko. You look too ugly to be my type."
"Aaaay," kantyaw ng mga kasama niya sa kanya. "Ugly ka raw pala, eh." nagtawanan at nag-apiran ulit sila. Mukhang in-eenjoy nilang mapansin ko ang walang kwentang presensya nila.
"Para sa inyong lahat yun, huwag kayong tanga." I said before leaving them.
Pagdating ko sa tent ay nakaabang si Brando sa labas. Naka-upo siya sa isang monoblock at sinasampal ang mga binti dahil nilalamok. Hawak rin niya ang flag namin dahil baka maagaw ng ibang team at maparusahan kami.
"The mosquitos are feasting on you. Bakit hindi ka pa kasi pumasok?" tanong ko nang palapit na ako.
"Hinihintay pa kita, eh." sagot niya. "Magsha-shower ka pa 'di ba?"
Ngayon nabanggit niya ay tsaka ko lang naalala na medyo amoy-pawis na nga ako. Nag-shower na ako kanina habang nagluluto sila pero dahil hinabol ko pa si Lorenzo at nakipagtulakan pa ako kanina ay pinawisan na naman ako.
Inamoy ko ang sarili ko at baka naamoy niya ako kaya niya sinabing magsha-shower ulet ako.
"Eh ano naman kung magsha-shower ako?" tanong ko.
"Sasamahan na kita."
Pagtayo niya ay napaatras ako. Tinignan naman niya ako nang nagtataka. Ilang segundo siyang ganun bago tumawa nang bahagya.
"Ang bastus masyado ng utak mo." sambit niya habang natatawa. "Sasamahan lang kita at baka pasukin ka, walang lock yung cr na assigned sa'tin."
Nirolyohan ko lang siya ng mata bago kinuha ang towel ko.
Medyo malayo sa mga tent ang cr na na-assign sa amin kaya may dala rin siyang flashlight. Hindi naman siya umiimik kaya wala akong problema lalo na't wala ako sa mood makipag-biruan ngayon.
"Hintayin mo ako," bilin ko bago pumasok sa cr.
Nang maisara ko ang pinto ay napansin ko ngang wala itong lock. Nagshower na ako kanina pero hindi ko na napansin kanina na wala palang kandado. Buti nga at walang ibang taong pumasok. Old cr kasi ang naibigay sa'min. Medyo malayo rin siya sa mga tents kaya mabuti ngang sinamahan ako ni Brando.
Naging matiwasay ang pagsha-shower ko kaso medyo nangangamba nga lang ako at baka biglang bumukas ang pinto. Nandun naman sa labas si Brando pero baka umalis siya dahil nainip. Matagal pa naman akong maligo.
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...