THE ALEJANDRO'S
Ardent
I woke up with my window still wide open. I was kinda frustrated because I didn't wake up earlier to see if he came or not. Although I had blurry memories which I couldn't make up if it's a dream or reality.
I remembered seeing him climb up my window. The next thing I knew is that I see him sitting on my bed. Then he caressed my face.
"Have you read the papers your lolo sent you?" lola asked as we have our breakfast. "It's been lying there for a week now."
"Yeah, I did." I answered lazily.
Actually, hindi ko pa iyon nababasa. Sinadya kong iwasang silipin man lang ang papel dahil gusto kong may pagkaabalahan ako kapag kinukulit ako ni Leandro. Surely, hindi na naman yun matatapos magsalita hanggang sa kausapin ko.
After breakfast, dumiretso agad ako sa may stables para kunin si Freya. Hindi ko pa siya nasasakyan kaya hanggang hawak lang ako sa kanya. Para lang akong naglalakad sa parke at may hawak na aso. Lingon ako nang lingon habang ginagawa iyon. Hinahanap ng mata ko si Lorenzo pero wala akong nakita.
"Señor," tawag-pansin ng umaalalay sa'king trabahador.
"Hmm?" tanong ko nang hindi siya tinitignan. Masyadong busy ang mata ko sa paghahanap kay Lorenzo.
"Hindi paparito ang nobyo niyo ngayon." napalingon ako sa trabahador na ngayon ay nakangiti na sa akin. "Sa akin yung suot niyang camisa de chino kahapon. Hiniram ni Amy kaya nakwento niya sa'kin."
Tinutulungang pala siya ni Amy para makapuslit sa hacienda. At ang nakakatakot ay baka makarating ito kay lola at tuluyang pahigpitin niya ang security ng hacienda. Lalo pa't si Amy ang kasabwat niya.
"Kuya, huwag na sanang makarating kay lola ang tungkol sa pag-trespass ni Lorenzo." I requested.
"Opo naman señor." sagot niya. "Humahanga nga ako sa batang iyon. Napakatapang. Hinangaan ko siya noong itinaboy siya ng lola mo nung araw na akala nami'y magpapakamatay ka." kwento niya.
Pagkatapos ng kabaliwan ko noon sa teresa ay dumiretso ako sa kwarto ko para umiyak. Dahil sa kalasingan ay wala na rin akong masyadong maalala. Paggising ko, ang alam ko lang ay ipinagbawal na si Lorenzo sa hacienda kasama ng mga kaibigan ko.
"Anong ibig niyo pong sabihin?" tanong ko.
"Hindi mo nga pala alam señor. Tulog kasi kayo." sabi niya. "Tinutukan siya ng baril ng doña. Napakatapang nga at idiniin pa ang noo sa baril."
Bahagyang kumunot ang noo ko sa kinwento ng trabahador.
Lola did that to Lorenzo? Was she planning to kill Lorenzo?! Kahit sabihin nating tinatakot niya lang ay hindi niya dapat yun ginawa. Paano kung aksidenteng nakalabit ang gatilyo?
"Dun ako bumilib sa kanya. Ang tingin ko lang kasi dati kapag nagkakarelasyon ang parehong kasarian ay baka kuryosidad lang o libog. Pero sa ginawa niyang yun, napatunayan niya ang pagmamahal niya sa'yo señor. Mas totoo pa ang pag-ibig niya sa'yo kaysa sa ibang babae at lalakeng magkasintahan."
Nakakagaan sa pakiramdam ang sinabi ng trabahador ngunit naiwan ang utak ko sa ginawa ni lola at sa panghahamon ni Lorenzo.
"Kuya, what's your name?" I asked.
"Tawagin niyo na lang akong Mang Butsoy, señor."
"Okay." I said. "I want you to help Lorenzo Mang Butsoy. Huwag niyo siyang hahayaang mahuli ni lola." I ordered him. "Just don't tell him I talked to you about it. Ako na ang bahala kay lola."
![](https://img.wattpad.com/cover/227457233-288-k609155.jpg)
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...