⚠️⚠️⚠️
PAALALA:
ANG GINAWANG PLANO NINA ARDENT AY HINDI DAPAT PAMARISAN! IT WAS MANIPULATIVE AND TOXIC! NEVER EVER DO THAT TO SOMEONE!
⚠️⚠️⚠️
THE SUPPORT HE GAVE
Carlo
3 days ago...
Nang bumalik na ang lakas namin ni Ardent, suhestyon niyang dumiretso na kami sa hacienda para daw ipagamot kay Aling Esther ang mga sugat namin. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil kapag umuwi akong may bangas at sugat ay baka dagdagan pa ni mama. Mabuti nang nagamot kapag umuwi ako.
"Bukas na bukas rin ihahatid kita nang bisikleta pauwi. Huwag kang magrereklamo, ah."
Nang sinabi niyang bahala ka, alam ko na agad na mas mapapalapit kami sa isa't isa. Kung ito lang naman ang tanging paraan, bakit hindi ko na lang gawin 'di ba? Mabuti nang maging kaibigan/ tagahatid ni Ardent kaysa kakilala o wala lang.
"Oo na, paulit-ulit ka naman. Tsaka mabuti na rin yun, para makita ni Lorenzo na hindi lang siya ang lalaking—"
"Teka, teka, teka." pigil ko sa kanya. "Gagamitin mo ako?"
"Yeah. Why? Ako ba ang nag-suggest na ihatid mo ako araw-araw?" mataray niyang tanong.
"At sinong tao ang manggagamit ng kaibigan?" natatawang tanong ko.
"Me. Kung ayaw mo 'di huwag."
Pursigido talaga siya kay Enzo. And that made me admire him more.
Ngayon lang, mula nang magkakilala kami ni Enzo, ngayon lang ako nainggit sa kanya.
"Gusto mo ba talaga siya?" seryosong tanong ko.
"Sobra. At hindi ako tumitigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko, Carlo."
Kung iyon talaga ang gusto niya. Susuportahan ko siya. Kung anong magpapasaya sa kanya, gagawin ko. Kahit thank you lang siguro mula sa kanya, matutuwa na ang puso ko.
Magiging mabuting kaibigan ako sa'yo Ardent. Para sa ikatatahimik ng puso ko, at sa ikasasaya mo, tutulungan kita.
.
.
.
Ardent
It's already 8 in the evening but my guest decided to complete the gang. Nang sabihin kong gusto ko talaga si Lorenzo ay bigla ba namang tawagan sina Daryl, Lauren at Amy.
"Nagpaalam ka ba?" tanong ni Carlo kay Lauren.
"Edi sinundan ako ng kuya ko? Tumakas lang ako, syempre."
"So anong plano?" excited na tanong ni Amy.
This was Carlo's idea. His plan was to show Lorenzo's real feelings.
"May gusto sa'yo si kuya, alam ko. Nagpapakipot lang yun." imporma ni Lauren.
"I know. No one could dump me like that." I said confidently.
"Kaya niya lang siguro nasabi yun ay dahil kagaya mo, nahihirapan rin siyang ma-realize kung ano talaga ang nararamdaman niya." ani Daryl.
"At isa pa, ngayon lang siya nagkagusto sa lalaki. He's still confused." dagdag ni Carlo.
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...