QUESTIONING MASCULINITY
Ardent
Just like what I told Carlo and Jhon, hindi nga nila sinabi ang nalalaman ko kay Lorenzo. The next day turned out normal.
"Baby, baka hindi ako makasabay sa lunch mamaya." I told him nang magkita kami sa zone 1.
"Bakit? May quiz pa ba kayo? Dalhan na lang kita ng pagkain sa room niyo." he offered habang nagwawalis.
Yes. Siya ang nagwawalis sa zone 1 kahit na trabaho ko yun. Naka-upo lang ako sa concrete na tinaniman ng puno.
"Huwag na. Uuwi kasi ako. Susunduin ako ng driver." palusot ko.
"Ganun ba?" tanong niya. "Sige,"
I feel bad lying to him. Sinabi niya sa'kin dati na ayaw niyang pinaglilihiman at pinagsisinungalingan. But I need to do this.
Dahil sa paalam ko ay sa room na nag-recess si Lorenzo. Okay lang raw na hindi muna siya mag-review dahil nag-aral na siya nang mas maaga.
Gusto lang talaga niya akong makasama.
As usual, nakamasid na naman sa amin ang mga kaklase kong babae. Kunwari supportive pero pag wala na si Lorenzo ay iniirapan ako. Tanggalan ko ng mata, eh.
Nang mag-lunch ay nagpasama ako kay Daryl kung saan tumatambay sina Gabo.
This is the real reason kung bakit hindi ako makakasama sa lunch. I'm planning to confront Gabo about what he did to Lorenzo.
Habang iniisip ang kinuwento sa akin ni Carlo ay kumukulo na naman ang dugo ko. Lalo lang akong nainis nang wala akong mahanap sa opisina ni lola.
Sinigurado muna naming wala ng ibang estudyante sa Senior High building bago namin pinuntahan ni Daryl.
"Ardent, huwag na lang kaya? Baka ikaw ang kantihin nila, eh." pag-aalala ni Daryl.
"I don't care. Just tell me where is that Gabo." utos ko.
Pumunta kami sa second floor kung saan may nakita kaming tatlong estudyanteng naglalakad.
According to Carlo, hindi raw nagla-lunch sila Gabo. They stay in their building doing nothing.
"Yung tatlong yun na naglalakad? Kita mo?" turo ni Daryl. "Si Gabo yung nasa gitna. Yung dalawa, barkada niya."
"Okay, stay here." iniwan ko si Daryl sa dulo ng corridor at binilisan ko ang lakad ko para mahabol sina Gabo.
Nang mapantayan ko na si Gabo ay tinampal ko ang mataba niyang batok dahilan para mapahinto siya. Tumigil rin ako at hinarap siya nang maungusan ko siya.
Humalukipkip ako sa harap niya at kitang-kita ko sa mata niya ang gulat at inis.
"Tarantado ka, ah." pagalit niyang sambit.
"Sinong mas tarantado sa'tin?" I asked. "You're taking advantage of someone who isn't allowed to fight back. Tell me, sinong mas tarantado?"
"Ha!" he scoffed. "Nagsumbong pala yung boypren mo? Akala ko ba ikaw ang bakla?" tatawa-tawang sambit niya.
"Do it once more, and I'm warning you. Hampaslupa ka lang. Wala kang kayang gawin kung pera na ang pinaikot ko—" hindi ko natapos ang pagbabanta ko dahil sinakal ako ni Gabo.
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...