THE PROVINCE GUY
Lorenzo
"Antagal mo naman pre. Kanina pa ako dito." bungad ni Carlo pagkapark ko ng motor sa gilid ng kalsada.
"Nag-deliver pa ako sa mga umorder kay mama." paliwanag ko habang inaayos ang uniform ko.
"Turuan mo na kasi siya mag-motor." pabiro niyang suhestyon.
"Edi pinatay ako ng tatay ko, gago."
Pagpasok namin ng school ni Carlo ay wala pang kahit isang estudyante. Sinadya naming agahan ni Carlo para gumawa ng assignment.
Mali. Siya lang pala ang gagawa ng assignment. Mangongopya lang pala ang gagawin ko. Tulungan nalang kami. Eh pano, ako ang may libro at siya naman ang may utak para sagutin yung tanong. Kung naalala ko lang sanang ipahiram sa kanya itong libro ko nung Friday edi mangongopya nalang ang gagawin ko.
Dumiretso kami sa klasrum ng Grade 10- Pilandok. Ito lang kasi ang klasrum na sira ang kandado. Dito kami laging tumatambay kapag wala pa yung nakahawak ng susi ng klasrum namin.
"Tapos ko na 'tong UCSP, kopyahin mo na. Amin na yung libro ng PerDev." mabilis na sambit ni Carlo.
Binigay ko agad yung libro at kinuha ang notebook niya.
"Anong basa dito?" tanong ko habang tinuturo yung medyo magulong sulat niya.
"Norms yan. Bilisan mo na at mamaya darating na yung mga 'fans' mo. Hindi ka na makakakopya." sambit ni Carlo habang nagsusulat. Halatadong medyo naiirita na rin siya dahil nagmamadali.
Dahil sa sinabi niya, minadali ko na ang pagsusulat. Baka nga mamaya ay maabutan pa kami.
Araw-araw nalang kasi dinudumog ang klase namin. Para kanino? Sakin daw. Hindi ko nga alam anong meron sa mga taong 'to. Hindi naman ako magsisinungaling, masarap sa pakiramdam na sikat at dinudumog pero nakakairita na rin minsan. Sinasakyan ko nalang para naman hindi ako sabihang bastos, lalo na't babae ang karamihan sa kanila.
Malapit ko nang matapos ang isang assignment nang mairita ang pulsuhan ko. Masikip na kasi 'tong bracelet na bigay ni papa kaya tinanggal ko muna at nilagay sa katabing upuan. Tinuloy ko rin ang pagsulat pagkatapos.
"Putik, may essay."
Natigil ako sa pagsusulat sa sinabi ni Carlo. May essay pa?
"Anong subject ba?" tanong ko.
"English. First subject."
Bumuntong-hininga nalang ako tsaka niligpit ang mga libro ko.
"Isa lang naman. Babawi nalang tayo sa quiz, noh?" tanong ko na ikinarolyo ng mata ni Carlo.
"Oo na. Gagalingan ko na mag-review."
Si Carlo ang isa sa pinakamatalinong estudyante ng klase namin. Kaibigan ko na siya simula nung elementary. At simula rin nung maagaw ng basketball ang focus ko, siya na ang tagapagsalba ko sa acads namin. Dahil masyado akong busy sa pageensayo, napabayaan ko na ang pag-aaral. Siya ang gumagawa ng projects, assignments at pinapakopya ako sa mga quiz at exam. In return, binabayaran ko siya. Mas may kaya kami kaysa sa pamilya niya kaya kahit maliit na assignment ay sa kanya ko na pinapagawa para may dahilan akong bigyan siya ng pera.
Pagdating namin sa klasrum ay nakasara pa ang pinto.
"Himala. Wala ata ang mga fans mo." panunukso ng iba naming kaklaseng naghihintay sa tagahawak ng susi.
"Oo nga. Ganitong oras eh umaali-aligid na ang mga yun." dagdag ni Carlo.
"Malay ko." tanging sambit ko.
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...