Kabanata 19

3.6K 337 45
                                    

THE HONORABLE AND THE POWERFUL

Ardent

Sumakay kami ni Attorney sa kotse niya. Since mas may alam si Attorney sa Rivamonte ay siya na rin ang nagturo sa akin sa bahay ng mga Narsciso.

Medyo malapit sa bayan ang bahay pero may mga punong nakapaligid dito kaya parang liblib din pagpasok sa property. Palapit pa lang ako sa bahay ay nakita ko na agad si Gabo mula sa kapitbahay nila na dali-daling sinundan ako.

I entered the house as if it's mine. Good thing the door wasn't locked. Inikot ko ang paningin ko sa bahay at isa-isang pinagmasdan ang mga lumang gamit.

"Anong ginagawa mo dito bakla?" asik ni Gabo pagpasok pa lang.

Liningon ko siya na parang wala lang.

"Tinitignan ko lang ang mga gamit na pag-aari ng hacienda." I said as I continued eyeing the place.

"Maliit ang bahay, attorney. Mukhang kulang pang pambayad sa interest." I told atty.

"Anong pinagsasabi mo? Lumabas kayo ng bahay namin. Trespassing kayo!" sigaw niya.

"Hindi ka sure." salungat ko. "Ang bahay na 'to ay kasama sa collateral para sa utang niyo sa hacienda. Alam mo ba yun Gabo?" tanong ko habang inaabot sa kanya ni attorney ang papel.

Habang binabasa ni Gabo ay mababanaag sa mukha niya ang pagkalito at takot.

"Hindi mo alam?" tanong ko. "Dapat kasi, nagdadahan-dahan ka sa mga sinasabi mo. Pwede ring maniguro ka muna na walang alas laban sa'yo ang binabangga mo." bulong ko bago siya nginitian.

Nanatili sa papel ang mga mata ni Gabo.

"Mabait naman ako." bawi ko. "Pwede niyong bayaran ang utang ng papa mo kasama ang interes hanggang bukas, that's 1.2 million. Kung wala, mukhang kailangan niyo nang magbalot-balot." banta ko.

Nilukot ni Gabo ang hawak niyang papel at binato sa mukha ko. Inaasahan ko na ang bayolente niyang reaksyon kaya hindi na ako nagulat.

"Huwag mo akong hinahamon Montecido." nanggigigil siya habang dinuduro ako. "Wala kang kukunin na kahit ano mula sa'kin. May kalalagyan ka."

I smirked and took a step closer to him.

"Yan lang ba ang kaya mong gawin, Gabo? Ang bantaan ako?" natatawang tanong ko. "I was serious when I warned you Gabo, and what did you do? Binugbog mo ulet si Lorenzo. Kung hindi siya makakalaban, ako ang lalaban."

Kinwelyuhan niya ako at sa lapit namin ay nakikita ko ang apoy sa mata niya.

"Sige lang Gabo." nakangiting sambit ko. "Sana ibang tao na lang ang pinagtripan mo. Dahil sa ginawa mo, mawawala lahat sa'yo, kahit ang pinakamamahal mong ama."

Sa pagbanggit ko sa kanyang ama ay nanghina ang kanyang mga kamay. Nakawala ako sa pagkakakwelyo niya.

"Mauna na kami, pakialagahan 'tong bahay. Balak ko kasing patirhan ito ng anay kapag nakuha ko." insulto ko.

Palabas na kami ni Atty. Toralba pero bago kami makalabas ay nakarinig ako ng nabasag na kung ano. Nilingon namin si Gabo pero nakatalikod lang siya.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon