MONSTER UNLEASHED
Ardent
I have a lot of questions lingering in my mind. All of them is about what happened to him in those 5 years I was away. I feel like I should know about it. Hindi ako matatahimik dahil hindi pa buo ang pagkakakilala ko sa kanya. May mga piraso pang hindi ko nalalaman.
I wanted to ask him but I'll let him tell me all about it. Ayoko siyang pangunahan.
Agad rin namang naiwala ang kyuryosidad ko nang makita ang bagong itsura ng Lydia's Bakery.
"It's bigger!" I exclaimed. "Wow,"
"Tara na sa loob, hinihintay ka na ni mama." nakangiting sambit niya bago ako igiya sa loob nang nakalingkis ang braso sa bewang ko.
Pagpasok namin ay mas lalo lang akong namangha sa itsura ng lugar. Kung iilan lang ang pagbabago dito sa Rivamonte, malamang ito na ang pinakamagandang lugar dito.
Compared to a small bakery before, this looks so expensive now. Parang ganito na rin kalaki ang restaurant ni Mendie sa New York.
"It took papa a lot of convincing before mama took the money for the renovation." bigla niyang kwento nang makapasok kami.
"Ayaw ni tita?" tanong ko.
"Ayaw kong tumanggap ng pera mula sa kabit mo. Those were her words." nakangising sagot niya. "Tinanggap niya rin eventually. Pero hanggang ngayon, lahat ng profit ng bakeshop, tinatabi niya para mabayaran to."
I smiled sadly upon hearing it. I feel sad for her. Somewhat, pareho kami ng pinagdaanan. Pinakielaman ng kabit ng asawa niya ang business niya, ganun rin sa'kin ang kaibahan lang, hindi ko alam kung sinong nangialam sa career ko.
"Ma," tawag ni Lorenzo mula sa malayo nang makita ang ina.
Dahil sa ginawa niya ay lalo lang kaming pinagtinginan ng mga customers nila. I saw some familiar faces na kumaway. I don't remember them so I just smiled.
"Ardent, ikaw na ba yan?" si tita Lydia nang makalapit kami. "Jusko," niyakap niya ako tsaka tinitigan nang mabuti. "Ang pogi mo pa rin,"
"S-salamat po," I said shyly.
Napanatili ni tita Lydia ang kagandahan niya. She looks so young before, I really admired her beauty lalo na't kamukha niya si Lorenzo, and until now parang walang nagbago sa mukha niya. She's still that fine, classy and tisay looking mom.
"Ma," suway ni Lorenzo nang halos iikot na ako ni tita para lang matitigan.
"Eto ang kj. Ngayon ko lang ulit makita ang batang 'to." sagot ng ina. "Upo ka," aya niya.
"Ang ganda niyo pa rin po, tita." puri ko nang makaupo na kami at nanatili ang titig niya sa'kin.
"Naku, salamat. Kumusta na? Nagpahaba ka ng buhok, ah? Lagi kitang nakikita sa magazine, hindi ganyan kahaba ang buhok mo sa mga nakaraang issue."
"Opo," I smiled as Lorenzo started caressing my hair as if it's his first time noticing it, eh halos sabunutan nga niya kanina para lang maisagad. "I, uh, have a project for a hair brand by February kasi tita. Tsaka parang nagugustuhan ko ring magpahaba."
"Ganun ba?" tanong niya? "Hindi ka talaga nababakante ano? Magpahinga ka naman, hijo." sambit niya. "Tuloy-tuloy ka sa pagmomodelo eh baka wala ka nang oras para sa pagpapamilya."
"Ma," natigil si Lorenzo sa buhok ko at minata ang ina. "Don't listen to her." bulong sa'kin ni Lorenzo na masama na ang tingin sa ina.
"Enzo, kunan mo kaya itong nobyo mo ng meryenda?" tanong ng ina.
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...