Kabanata 5

5.1K 367 99
                                    

LOATHE

Ardent

Before Lorenzo and I started my PFT, we checked my weight first and it's 57 kl. But I'm starting to question the weighing scale now. Kung maglakad kasi si Lorenzo ay parang hindi tao kundi magaang bag lang ang nasa likod niya. He's taller and a lot stronger than me kaya ganun-ganun na lang niya ako kadaling buhatin.

Paglabas namin ng clinic ay wala ng estudyante at palubog na ang araw. Tahimik lang rin siya kung maglakad sa corridors. Tanging huni ng mga ibon mula sa mga puno sa gilid ng field ang naririnig namin.

I don't know why but it's soothing. Napakakalma ng paligid, the colors that the sunset emits, the feeling of being carried by Lorenzo, it's perfect.

Then my heart started to beat fast. Maybe it was just because of the perfect ambiance. I convinced myself that my racing heartbeat isn't because of Lorenzo. Why would it be, right?

Inilayo ko ang dibdib ko mula sa likod ni Lorenzo dahil sa takot kong maramdaman niya ito. Dahil sa paggalaw ko ay tumigil siya sa paglalakad.

"Huwag kang magalaw, baka mahulog ka."

"Sorry." I whispered and he started walking again.

"Nag-away ba kayo ni Daryl dahil nalaman niyang bakla ka?" bigla-bigla ay tanong niya.

Lumingon siya sa'kin ngunit hindi niya ako makita ng tama dahil nakapangalumbaba ako sa balikat niya.

"Nag-away kami dahil ayoko ng reaksyon niya nung sinabi kong bakla ako." pagtatama ko.

"Ano bang reaksyon niya?" usisa niya.

"Bakit ba nangingialam ka?" masungit kong tanong.

"Maayos naman na ata ang paa mo, eh. Nakakapagmaldita ka na ulet. Maglakad ka na lang?" banta niya.

"Ba't ka ba kasi nangingialam?" mas malumanay kong tanong.

"Barkada ko ang kuya ni Daryl kaya parang kapatid ko na rin yun. Alam kong nalungkot siya sa mga sinabi mo."

"He deserved it." bulong ko.

"Ano nga kasing ginawa?" tanong niya.

"Chismoso."

"Ikwento mo na lang kasi!" iritado niyang sambit.

"Kasi nga nung sinabi kong bakla ako, bigla na lang siyang hindi namansin. And if someone hates me, I'd hate them more. Ngayong na-realize niyang what he did was wrong, aamuhin niya ako? Manigas siya." kwento ko.

"Hindi ka man lang ba naaawa sa kanya? Na-realize rin naman niya agad na kaibigan ka niya 'di ba? Nag-alala pa nga sa kalagayan mo." pangongonsensya niya.

"Don't play with my conscience Lorenzo. Alam kong nagsisisi siya and what I told him was wrong but I would not forgive him."

"At bakit hindi?"

"Because I'm not Ardent Saavedra if I'd do so."

"Ang childish mo naman pala." bulong niya.

"I am not!" tutol ko.

I usually don't care about this kind of remarks but why do I feel insulted when it came from Lorenzo?

"Yes, you am!" mas galit pa siya sakin. "Tignan mo pati ako napapa-english sa'yo." reklamo niya.

"Huwag ka nan gang mag-English kung di ka rin naman marunong. sambit ko. Tsaka bakit ikaw pa ang galit?" tanong ko.

"Kasi nga isip-bata ka. Grade 10 ka na pero kung makipag-away ka para kang elementary. Mag-mature ka nga." natahimik lang ako sa sinabi niya.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon