Kabanata 44

3.4K 225 37
                                    

SOME THINGS HAVEN'T CHANGED

Brando

Rivamonte.

Iyon ang lugar na gusto niyang puntahan.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa mansyon ay sumakay kami ni Ardent sa kotse ng kuya niya. Desididong-desidido siyang umalis kaya hindi rin nagdalawang-isip si kuya Austin na ibigay ang susi ng kotse niya.

"Okay ka lang?" tanong ko nang makalayo na kami at kumalma na siya sa pag-iyak. "Ardent—"

"Stop talking!" bigla niyang sigaw na nagpatahimik sa'kin. "Just drive me to Rivamonte."

Sa ilang taong magkasama kami, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kahit na pagod siya sa trabaho hindi kailanman siya nagbreakdown ng kagaya nito. Minsan kapag naaalala niya si kuya Enzo tuwing lasing siya, pero mas grabe ngayon. Siguro dahil na rin nalaman niyang kinokontrol din ni kuya Enzo ang buhay niya. Iniisip na niya ngayon na walang pinagkaiba si kuya Enzo sa lolo niya.

Umiling ako't sinubukang mag-concentrate sa daan. Umuulan, ayokong malingat at baka maaksidente kami. Dahil nga sa basang kalsada ay nahihirapan ako sa pagdrive, malakas rin ang ulan kaya hindi ko masyadong makita ang daan. Mukhang aabutin kami ng madaling araw sa byahe kung ganito kalakas ang ulan buong gabi.

Mag-aalas dose na nang tuluyang mawala ang paghikbi ni Ardent. Napalitan ito ng mumunting paghilik niya kaya tumigil rin muna ako sa pagdadrive. Nilabas ko ang cellphone ko at minessage si kuya Austin kung saan ko dadalhin si Ardent.

Hindi rin naman nagtagal dahil agad ko rin itong pinaandar. Ayokong magising si Ardent nang nakatigil ang kotse, baka lalo lang siyang magalit, mahirap na.

Simula nang kunin ako ng mga Saavedra, hindi na kailanman ako nakauwi sa amin. Buti na lang at bago ako pinapunta sa New York para samahan si Ardent ay nakailang-balik rin ako ng Rivamonte para sa negosyo nila. Dahil doon ay memoryado ko pa naman ang daan.

"Asaan na tayo?" tanong niya nang magising.

"Papasok na tayo sa Rivamonte. Diretso ba tayo sa hacienda—"

"Itigil mo ang kotse. May tao sa labas." putol niya sa'kin at lumingon sa likod.

"Ha?"

"May nakita ako sa labas. Itigil mo ang kotse." utos niya, mukhang galit pa rin.

Itinigil ko ang kotse at lumingon pero wala akong makita.

"Wala naman." nakakunot ang noong sagot ko.

"Meron, tignan mo." utos niya.

"Ha? Ardent, wala nga. Guni-guni mo lang yun. At kung meron nga, delikado at walang tao dito."

"Titignan mo o ako ang lalabas?" banta niya.

Bumuntong-hininga ako't kakamot-kamot na lumabas. Malakas pa rin ang ulan at madilim rin ang parteng ito ng Rivamonte.

Hindi ko alam anong nakain ng lalaking iyon at kung anu-ano ang nakikita. Hindi naman ako matatakutin kaya ginawa ko na lang ang makapagpapanatag sa kanya.

Pero pagdating ko sa may likuran ng kotse ay bigla itong nag-start at umandar. Hahabulin ko pa sana kaso bumilis rin agad ang takbo nito.

"Wow," bulong ko sa sarili ko.

Napakatuso talaga niya. Hindi ko alam kung anong plano niya o kung saan niya gustong pumunta pero kapag nagpatuloy ang bilis niya, baka madisgrasya siya.

Nang kapkapin ko ang bulsa ko'y wala doon ang cellphone ko. Mukhang naiwan sa kotse. Wala na akong nagawa kundi maglakad sa gitna ng ulan.

Wala pang isang oras lang rin naman akong naglakad nang tumigil sa harap ko ang isang gray na SUV. I think it's the latest version of Defender's Land Rover.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon