Kabanata 21

3.2K 277 77
                                    

ENDGAME

Ardent

Dinala namin si Amy sa pinakamalapit na ospital. The nurses and doctors are taking care of her now.

"I already called Aling Esther, she's on her way." I told them.

Daryl glared at me and Lauren gave me a disappointed look.

"Anong sasabihin natin sa kanila?" tanong ni Daryl. "May plano ka rin ba para malusotan 'to?" he sarcastically asked.

"I didn't know this would happen."

"Malamang!" sigaw niya. "Malamang hindi mo 'to ineexpect kasi ang nasa utak mo lang ay tama ka at magwowork ang plano mo. Wala pa man, akala mo mananalo ka na kay Gabo."

"I'm sorry." I whispered.

"Kung nakinig ka sana sa'min," pangaral ni Daryl.

"Oo na, it's my fault!" hindi ko na rin napigilang magtaas ng boses. "Sa tingin niyo natutuwa akong nandyan si Amy?! I'm guilty, okay?"

"At hindi ka sana nagi-guilty ngayon kung nakinig ka lang sa amin." he fired back. "Bakit ba kasi napaka-mapride mo? Kahit minsan, subukan mo namang pakinggan ang sinasabi ng tao Ardent. Hindi yung ikaw at ikaw na lang."

Hindi na ako naka-sagot sa sinabi ni Daryl. Bukod sa tama siya ay pagod na ako. Pagod na akong makipag-sagutan, pagod na akong mag-isip, pagod na akong magsalita.

"Señor, si Amy?" nilingon ko ang naiiyak na si Aling Esther na sumulpot sa likuran ko. "Asaan po ang anak ko? Ayos lang po ba siya?" hindi na napigilan ni Aling Esther ang umiyak.

Habang nakikita ko ang pahagulgol ni Aling Esther ay hindi ko mapigilang maluha rin.

"Tinitignan po ng doktor." I said shortly.

"Ano ba ang nangyari? Bakit siya dinala dito sa ospital?" tanong ni Aling Esther.

I stared at her. Her eyes demanded honesty and I want to give her that but if I'd do, si Lorenzo ang malalagot.

Nilingon ko sina Daryl at Lauren na nag-aabang sa sasabihin ko.

"Tinambangan po ng mga siraulo sa labas ng school." pagsisinungaling ni Daryl.

Nanghina ang tuhod ni Aling Esther sa narinig. Inalalayan ko siya upang hindi siya tuluyang maglupasay sa sahig ng ospital.

"Jusko po," bulong niya. "Ang anak ko. Ang kawawang anak ko." hagulgol ng ginang.

Tinignan naman ako ni Daryl ng masama. Para bang nais niyang sabihing Tignan mo ngayon ang ginawa mo.

Napayuko ako sa kahihiyan. This is all my fault. Kahit anong sabihin ko, kahit anong pagpapaliwanag ang gagawin ko, kagagawan ko 'to.

"Aling Esther, mauuna na po ako." paalam ko at walang lingun-lingong iniwan sila sa waiting area.

I can't stand staying there. Yung mga tingin ni Daryl, yung itsura ni Aling Esther, at yung estado ni Amy, hindi ko kayang matagalan.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon