MISSION FAILED
Lorenzo
Sinalubong ang aking sasakyan ng mga naka-motor na tauhan ng mga Saavedra. Lahat ay nagmamadali at kahit na nasa loob kami ng kotse ni Amy ay rinig pa rin namin ang pagbarurot ng kanilang motor.
"Kuya, ayos lang naman siguro si Ardent 'di ba?" nag-aalalang tanong ni Amy nang papasok na kami sa kanto ng hacienda. "Kaya naman siyang hanapin ng mga Saavedra 'di ba?"
Hindi ko siya sinagot. Napatiim-bagang nalang ako. Ayokong buksan ang bibig ko dahil baka kung anong masabi ko.
Bukod sa aking sarili ay sinisisi ko rin si Amy dahil siya ang kasama nito. Sinisisi ko rin si Ardent dahil hindi siya nag-iingat. Base sa kwento ni Amy ay nagpalusot itong puntahan ako pero dumiretso siya sa likod ng abandonadong eskinita.
Pagkapasok ng aking sasakyan sa hacienda ay hindi ko na ito ipinark nang maayos. Lumabas na ako agad at mabilis na tinungo ang mansyon.
Pagpasok ko ay tipun-tipon ang lahat sa sala. Hindi pa nga lang ako nakalalapit ay sinalubong na ako ng matandang Saavedra. Paglapit niya sa akin ay ginawaran niya ako ng malakas na sampal.
"Dad!" pigil ni tito Arturo ngunit huli na.
Inaasahan ko na iyon nga ang gagawin niya. Hindi ko nga lang ito pinigilan dahil alam kong galit siya at deserve ko naman iyon. Nadisappoint ko sila, napabayaan ko si Ardent.
"Sorry po," sambit ko nang hindi makatingin sa mata ng matanda.
Ayokong iangat ang mata ko dahil nahihiya ako. Ayokong makita ang disappointment sa mata ng mga Saavedra. Wala pa man ring kasal, hindi ko na siya kayang protektahan.
"You don't need to apologize hijo. You did nothing wrong." pumagitna si tito Arturo.
"Exactly, he didn't do anything!" sigaw pa rin ng matanda.
"Lolo, he's not aware of the plan."
Napaangat ako nang marinig ang sinambit ni kuya Austin.
"W-what plan?" tanong ko.
"It's better you stay out of this muna, Lorenzo." sambit ni tito na nagpa-init sa tenga ko.
"Anong stay out of this muna tito?" I asked. "Tito, si Ardent ang usapan dito. Anong plano? And why am I not aware of this?"
"Kasi alam naming ganyan ang reaksyon mo." sagot ni papa.
"Alam mo 'to Pa?" tanong ko.
"Kumalma ka muna anak." hinawakan ni papa ang magkabilang balikat ko pero hinawi ko lang ito at lumayo nang bahagya sa kanila.
"Pa, hindi ako pwedeng kumalma." naluluhang sambit ko. "Asaan si Ardent? Sinong kumuha sa kanya? Anong plano 'to?!" hindi ko na mapigilang magtaas ng boses.
.
.
.Aubrey
"Buhay pa ba siya?" tanong ni Jane sa masingkit na boses. "Parang hindi na humihinga."
"Napalakas naman ata yung paghambalos mo Andro." natatawang sambit ni Gabo habang nagda-drive.
"Hindi, ah." tanggi niya. "Sakto lang para naman maramdaman niya mamaya kapag tinanggal natin isa-isa ang kuko niya."
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...