Kabanata 7

5K 316 101
                                    

AN IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Ardent

Thank God walang klase ngayon! It's the weekend so I woke up at 8. When I looked outside my window, lola's workers are already busy with farm works.

Good thing about weekend, walang klase. The bad thing, hindi ko alam anong gagawin ko. I invited Daryl over para dito na namin tapusin ang diorama pero mamaya pang after lunch darating yun. I have nothing good to do this morning.

Maybe I should start working out? I think I need to improve my physique.

Nung makita ko kasi ang katawan ni Carlo kahapon, I was envious. Kapag tinitignan ko siya, mukha siyang payat pero mas maganda pa ang katawan niya sa'kin, eh.

But how would I start? I'm not listening to my PE class kaya wala akong alam sa mga ganun. Wala rin naman akong phone para mag-search.

Dad really instructed lola how to control me. Wala akong access ng kahit anong gadget dito sa bahay. Yung telephone nga lang ang pwede kong hawakan.

In the end, I just ended up petting every horses in the stable. Pinakilala rin sa'kin ng mga trabahador ang mga kabayo. Kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sumakay at kapag fully healed na ang paa ko, I would want to ride Freya. She's a white mare and she looks beautiful. She's worthy of carrying me.

.

.

.

Pagdating ni Daryl ay pinadiretso ko na siya sa sala. Dala-dala niya lahat ng gagamitin namin. Inilapag niya ito sa sahig para mas madaling magtrabaho. Nag-indian seat nalang rin kami.

"Nangungulit kanina si kuya, gustong sumama." kwento ni Daryl.

"Sinama mo sana."

"Huwag na. Manggugulo lang yun." salungat niya.

"Sayang. Sinama mo sana para may maghintay sa'yo sa labas." I joked.

We started cutting some karton and drawing the background. As I was molding a little man's body on the clay, I remembered Carlo kaya inopen ko ang topic kay Daryl.

"Do you think I should work out?" tanong ko habang nagmomold ng clay.

Natigil siya sa paggugunting ng papel at tinitigan ako. Sinigurado pa ata kung seryoso ako sa tanong ko.

"Ang payat mo na nga lang, magwo-work out ka pa." sambit niya at agad ring bumalik sa paggugunting.

"Pampalaki ng katawan ang work out, idiot."

"Okay ka naman nang ganyan." komento niya.

"Feeling ko, ampangit ng katawan ko."

I'm a very proud person pero may insecurities rin ako.

"Okay lang yan. Pero kung gusto mo talaga, edi subukan mo." suporta niya.

"Kaso hindi ko alam kung paano. Di ba may phases yun? Tsaka hindi ko alam ang proper execution. Baka mamaya, mabalian lang ako."

"Edi magpaturo ka." suhestyon niya. "Magkaibigan naman kayo ni Kuya Enzo. Magaling yun."

"Anong magkaibigan? Ni hindi kami magkasundo nung PFT, papaturo pa akong mag-work out?"

"Ay, oo nga pala. Baka mamaya maglaplapan lang kayo ulet. Tapos ibang work out na gagawin niyo." pang-aasar niya kaya binato ko na ng clay. "Sayang yang clay naman."

Pinaalala na naman kasi. Hindi ko na dapat siya naalala buong araw, eh. Nabanggit na ang pangalan niya, sigurado akong hindi na naman siya titigil katatakbo sa utak ko.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon