BACKYARD CAMP
Ardent
I didn't expect that he would give up that easily.
It might look like madness but I only did that to see how far he can go, hoping na ipagpipilitan niya ang sarili niya sa'kin. It was a wrong move. At hindi ko inaasahang bibitaw naman siya agad.
"Siraulo," tinulak ni Amy ang sentido ko gamit ang hintuturo niya. "Ano? Magpapakalasaing ka na naman? Upo ka na naman sa terrace?"
I glared at her for ruining my moment. Dinuro ko siya gamit ang wine glass pero nanghina rin ang kamay ko kaya binaba ko rin.
"Lungkot-lungkutan ka dyan eh kagagawan mo rin naman." she said.
"What do you want me to do then?" I asked as I wipe my runny nose. "Laugh and smile because I just realized that he could really give up on me that easily?!"
"Hindi," she fired back. "Alam mo kung anong dapat na gawin mo? Habulin mo siya."
Kinunotan ko siya ng noo.
"And what would that make me?" I asked. "Tanga? Sinungaling? Baliw?"
"Marupok." she cut me off. "Pero honest. Baliw pero hindi ma-pride." seryosong sagot niya. "Akala ko talaga kaya mo nang babaan ang pride mo para kay kuya Enzo, eh. Akala ko nagbago ka na para sa kaniya. Pero mukhang pahirapan ka talagang paamuhin." she said before standing up. "Huwag ka ng iinom, ah?' paalala niya bago ako iniwan sa kitchen table.
It was already 12 in the evening at tanging kami na lang ni Amy ang nandito sa baba. Siya lang rin ang pinagsabihan ko ng katangahan ko kanina sa vineyard. May mga ilang trabahador ring nakapansin pero hindi naman sila nagsalita at hindi nakarating kay lola.
"Matutulog ka na?" I asked.
"Oo." pabalang niyang sagot. "Tapos na ng trabaho ko sa inyong dalawa. Nagmatigas ka naman kasi." paninisi niya bago ako tuluyang iniwan.
Pagkaalis niya ay kumaripas ako sa may mini-bar para mamili ng alak. May tama na ako ng onti kahit na dalawang basong wine pa lang ang iniinom ko. Namulot na lang ko ng kahit ano tsaka nilagok ito.
Liningon ko ang labas ng bahay mula sa bukas na kurtina ng mga bintana nang mainip na akong uminom.
"Baby..." masuyong tawag ko.
Nanlumo ako nang walang makitang anino ni Lorenzo.
Bwisit na lalaking yun, hindi alam kumilatis ng joke. Joke lang yun, tanga! It's a prank!
"Amy," mahinang tawag ko. "Asan na ba yung babaeng yun?"
Nandito lang siya kanina, ah. Umaalis ng hindi nagpapaalam.
Nilingon ko ang ilalim ng table at baka nagatatago doon.
"Amy." mas malakas na tawag ko. "Amy!"
Mula sa kwarto ng mga maids ay lumabas siya.
"Sssshhh!" pagpapatahimik niya na agad kong ginaya.
"Ayy, shh?" pabulong na tanong ko. Ginaya ko rin ang hintuturo niyang nakatapat sa labi niya.
"Bakit lasing ka agad?" tanong niya. "Ilang minuto pa lang kita iniwan."
"I'm not drunk." I said.
"Huwag kang ma-attitude, lasing ka." giit niya.
"I want Lorenzo back." I said and smiled. "I made up my mind and thought that I want him back."
"Alam mo, kinakain mo rin ng sinasabi mo, eh. Ikaw naman pala itong nakikipag-break at nakikipag-balikan nang basta-basta."
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...