Kabanata 50

3.5K 178 77
                                    

SITOPHIL IN EROS

Ardent

I tried to rub it off me.

I've been thinking about it deeply that I forgot I need rest to look decent for today's shoot. Medyo natagalan tuloy ang make-up artist sa pag-aayos ng mukha ko para matakpan ang eyebags.

Tapos na ang dalawang shoot. The first one was a street photography where we modeled their old products. The picture turned out nice actually, it was my first time seeing a street photography producing a beauty shot. The other one was taken here on a studio for their commercial.

Now, I'm on the process of getting myself undressed for the most daring part. I'm actually confident with my body but I was just afraid of how would Lorenzo react.

The last shoot would be neo-classic themed shoot. We'd be looking like Greek statues with jewelries. A single cloth would be covering our private parts, though we're wearing something to actually cover it.

Buti na lang hindi nagpumilit si Lorenzo na sumama. Dumiretso na lang siya sa opisina nila at may gagawin daw siya. All I know, he's busy preparing for our date later. Akala niya siguro hindi ko nababasa yung messages sa phone niya tungkol sa mga pinareserve niyang restaurant.

Kinusap ko siya to just spend New Year at his place. You know, intimate lang sana. Besides, pagod ako since halos walong oras 'tong shoot. Kaso hinayaan ko na lang siya. He wanted to make up for the 5 years we've lost.

"Ayaw ato tausap baby to. Batit ato ayaw tausap mo?" nangunot ang noo ko nang marinig ang pagbe-baby talk ni Zach.

Nang lingunin ko siya ay naka-pout pa ang gago at nakasimangot habang may katawag sa cellphone niya.

"Toli na baby to. Indi na ato uulit baby to." nagpaawa pa siya ng boses. "Delete ko na ittoli ko baby to,"

Nang tignan ko ang mga kasama naming nagpapahid ng glycerin solution sa katawan namin ay napakunot din sila ng noo. Nagseryoso siya sa kausap niya maglaon at biglang lumayo. Mukhang kausap ang girlfriend.

Ilang taon na ba 'to? I think he's just highschool based from his attitude but because of his body, he looks older. Parang kay Lorenzo lang din nung high school kami.

Kasalukuyang nilalagyan ng oil ang abdomen part ko nang nagbukas ang pinto at pumasok si Lorenzo. Sa gulat ko ay naitulak ko ang crew na nag-ooil sa'kin tsaka napatakip ako sa katawan ko.

May nude tights naman akong suot para matakpan ang middle portion ko pero maikling-maikli ito.

Agad akong hinanap ng mata niya at nang makita ako ay napangiti ako ng awkward. Nagmartsa siya papunta sa'kin na parang galit.

Alam ba niya na ganito ang shoot namin? Tsaka paano siya nakapasok dito?

"At kailan mo balak sabihin sa'kin na lilitratuhan ka palang hubad?" tiim-bagang niyang tanong.

"May cover okay?" turo ko sa tela at sa suot ko. "Tsaka paano mo nalaman?"

"Inistalk ko lang naman yung batang kasama mo sa parking nung huli. Turns out, nasa IG stories na niya kung paano ka pahiran ng mantika ng bakla."

"Hey," suway ko sa derogative comment niya. "I know galit ka but that's not a good thing to say."

"Okay, sorry." nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko. "Pero kasi baby, sinabi mo sana para napag-usapan natin."

"Kung sinabi ko ba kahapon, papayag ka?" tanong ko. "Sasabihin ko rin naman sa'yo before they post it online o lumabas ang issue."

"Kaso nga lumabas na online." turo niya. "Ardent, ayoko nito. Just looking at you right now," tinignan niyang muli ang kabuuan ko pero hindi rin siya nakapagsalita. He just sighed. "Baby, huwag na please?"

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon