Kabanata 43

3.1K 222 36
                                    

OPPORTUNIST

Lorenzo

"When are you coming back, Enzo?" tanong ng stepmom ko over the phone.

"I don't know Meiko," walang ganang sagot ko. "I just came here. I..." bumuntong hininga ako bago muling sumilip sa lens ng astronomical refractor telescope ko. "I want to talk to him."

"Don't tell me you're not still over that guy. You dated several girls for the past years and you're still so into that man." naririnig ko na ang pagtaas ng boses niya. "He's not even worth the shot, Enzo."

"He's the reason why you still have Yukoshi Cars, Meiko. Don't insult him." banta ko.

"You're the reason, not him." paglilinaw niya. "That's why I want you to come back here in Tokyo. Papa wants you here."

"I'll come home after his show tomorrow." sagot ko bago ko pinatay ang tawag.

Sumilip akong muli sa lens para tanawin si Ardent at nakita ko ang pag-stretch niya at mukhang nangalay. Napangiti ako nang makita ang cute niyang paghikab nang gawin niya iyon.

Agad nga lang ring nawala ang pagngiti ko at napalitan ito ng pekeng ngiti. Sino bang niloloko ko? Kunwari namang masaya ako eh ilang taon na akong nagtitiis na silipin siya mula sa malayo. Ilang taon na akong parang asong ulol na ulol sa kanya.

Nandyan sa bawat fashion show niya, katapat ng hotel na tutuluyan niya kapag mangingibang bansa siya. Daig ko na nga ang stalker kung hindi pa ba ako matatawag na ganun.

Pero dito ako masaya, eh. Kahit na masulyapan lang siya sa malayo, hindi na magkamayaw ang puso ko sa pagtibok. Makita lang siyang ngumiti sa camera, para na akong lumulutang.

Hindi nagbago ang epekto niya sa'kin simula nung una kaming magkita. Siya pa'rin. At kagaya ng pangako ko sa kanya, siya lang.

Nang gabing iyon, noong iwan niya ako sa school, naghihintay sa akin sa labas ng gate ang taong pinakamumuhian ko— ang aking ama.

"Anak," ngumiti siya nang malungkot ngunit nag-init lang ang ulo ko.

Hindi ko alam kung anong koneksyon nila ni tito Arturo pero bago pa makapagsalita si tito ay sinuntok ko na agad ang aking ama.

"Ptngina mo!" natumba siya at napahiga sa kalsada kaya lumuhod din ako para dakutin ang kwelyo niya. "Anong karapatan mong bumalik at magpakita na parang nang-iwan ka lang ng bagay? Pamilya mo ang iniwan mo!" sinuntok ko siyang muli ngunit hindi siya pumalag.

"Lorenzo," inawat ako ni tito Arturo at  hiniwalay kay papa. Dahil nagpupumiglas ako'y nangialam na rin ang guard ng school na nakakita.

Pinanlisikan ko siya ng mata habang nagpupumilit pumiglas. Mabigat na rin ang paghinga ko.

"Hayaan mo siya, Arturo." kalmado pa ring sambit ni papa habang tumatayo. "Bitawan niyo siya."

Pagkabitaw sa'kin ay agad ko siyang sinikmuraan. Muli kong sinuntok siya sa panga ngunit napatigil ako dahil hindi siya lumalaban.

"Lumaban ka." bulong ko. "Ptngina, lumaban ka!" buong lakas kong sigaw.

"I deserve it, son." sambit niya sabay punas sa duguan labi. "Sige lang, sa akin mo ibuhos ang hinanakit mo."

"AAAAAHHHHH!" muli ko siyang sinuntok. Pero ngayon, mabigat sa dibdib ko ang bawat suntok. Mas emosyonal at kumpara kay papa na tumatanggap ng suntok ko, pakiramdam ko mas nasasaktan ako.

Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko na mabilang. Pero sa bawat suntok ko, pahina ito nang pahina. Hindi dahil sumasakit na ang kamao ko. Kundi dahil habang tumatagal, nararamdaman kong talunan ako.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon