VISITA
Ardent
It was a tiring day. We spent the whole day with our friends on his lolo's house. Umuwi rin naman sila kinagabihan but Lorenzo and I stayed. Iuuwi na lang raw niya ako sa hacienda bukas ng maaga. I was too tired kaya kakatapos ko pa lang mag-shower ay nakatulog na ako agad.
Naalimpungatan lang ako nang gumalaw si Lorenzo sa tabi ko.
"Hmm," I moaned as I hug him tighter.
"Shhh," sambit niya sabay haplos sa buhok ko pero tuluyan ko nang naimulat ang mata ko at nakita kong nakabukas pa ang cellphone niya.
Nagising akon nang tuluyan. Tinanggal ko ang mga bisig ko sa katawan niya tsaka sinilip ang ginagawa niya. Agad niya ring itinago ang cellphone niya tsaka ako niyakap.
"Sino yun?" I said hoarsely. "May ka-chat ka."
"Wala," he denied. "Tulog na tayo." he said as he kiss my forehead.
"Lorenzo, I swear kapag babae yan." banta ko.
"Paranoid ka, baby. Kababati lang natin kahapon."
"Eh ba't di mo ipakita?" I asked. "You're hiding something."
"I'm hiding something," pag-amin niya. "pero hindi ikasasama ng loob mo, okay?"
"Are you sure?"
"Of course, baby." he whispered before kissing me. "Hindi kita lolokohin."
My heart calmed at what he said. Siguro dahil may nangyari sa amin, at pinili niyang sa akin iparamdam ang buong pagmamahal niya kaya nabawasan ang pagdududa ko.
My eyelids felt heavy ulet kaya niyakap ko siyang muli at umayos ng higa.
"I trust you." I mumbled as I dwell back to sleep.
.
.
.Mag-aalas dose na nang ibaba ako ni Lorenzo sa harap ng gate ng hacienda. Gusto ko siyang papasukin pero hindi na talaga siya pinapayagan dahil may mga nakabantay ng gwardya sa gate.
Kung kelan naman nagbalikan kami tsaka nila ako paghihigpitan.
Walang choice si Lorenzo kundi iwan ako. I told him na kakausapin ko na lang si lola about it pero pinigilan niya ako. Hindi ko na raw kailangang gawin yun.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa may main door ay rinig na rinig ko na ang halakhak ng matatandang lalaki na nagmumula sa garden. Naririnig ko rin ang boses ni lola na nakikipagsabayan sa maingay na usapan.
"May bisita si lola?" tanong ko sa nakasalubong kong katulong.
"Nandito na pala kayo señor. Dumalo na po kayo doon, kanina pa po kayo hinihintay ng bisita."
My forehead creased at what the maid said.
Ako? May bisita?
Kung puro matatanda ang nandoon, marahil ay kasosyo ni lolo ang mga yun. Dali-dali akong pumanhik para man lang makapagpalit. Tshirt pa kasi ni Lorenzo ang suot ko, baka mamaya nandyan din si lolo, pagalitan pa ako na hindi mukhang presentable sa harap ng mga amigo niya.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako agad at dumiretso sa garden kung saan may kausap nga si lola na dalawang matandang lalaki.
One of them is familiar to me. Si tito Paul, ang kaibigan ni daddy na tatay ng bestfriend ko na si Bryan. Nang makita ako ni lola ay agad siyang tumayo para ipakilala sa mga bisita.
"Gentlemen, this is my apo." pagpapakilala ni lola. "I'm sure Mr. Hidalgo knows you already since magkaibigan sila ng lolo mo. But this man here is Mr. Alejandro Alejandro."
![](https://img.wattpad.com/cover/227457233-288-k609155.jpg)
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...