Kabanata 36

2.7K 227 222
                                    

DEMONS

Lorenzo

Hindi na nga ako ulet napapasok sa hacienda Montecido. Pero hindi naman ibig sabihin nun na susukuan ko na ang paghahanap kay Ardent. Ngayon pang mas matibay na ang hinala ko.

Pagkaalis ko kasi sa hacienda ay sumunod si Daryl at tinanong kung totoo bang magkasama kami kagabi ni Aubrey. Kinwento ko sa kanya ang nangyari  na ikinagulat niya naman.

"Kuya, iba ang sinabi ni Aubrey kay kuya Austin. Ang sabi raw nito, ikaw ang humalik sa kanya." sumbong niya.

"Hindi ko pagtataksilan si Ardent, Daryl." sambit ko.

"Kung ganun, siniraan ka ni Aubrey?" tanong nito.

"Ano pa nga ba. Eh yun naman ata ang gusto niyang palabasin." sambit ko.

Pero anong makukuha niya sa pagsisinungaling? Bakit iyon pa ang inuna niya eh alam niyang may nawawalang tao?

"Hindi kaya,"

"Ano yun kuya?" tanong ni Daryl.

"Hindi kaya inililigaw ni Aubrey ang imbestigasyon?" tanong ko.

"Paano naman niya maililigaw kuya?"

"Kasi kung sasabihin lang niyang magkasama kami nang gabing yon, may alibi na siya. Pero para siraan ako,"

"Maibabaling sayo ang galit ng mga Saavedra at hindi matututukan ang imbestigasyon." tuloy ni Daryl sa sinasabi ko.

Si Aubrey at si Gabo ang prime suspect sa pagkawala ni Ardent. May mga sari-sarili na silang alibi kaya nakaligtas sila sa mga Saavedra. Pero hindi sila makaliligtas sa akin. At ngayon, mas malakas ang kutob kong si Aubrey ang may pakana nito.

Nang gabi ring iyon ay tumawag si Amy sa akin.

"Kuya Enzo, may nag-email sa mga Saavedra. Humihingi sila ng ransom money." mangiyak-ngiyak na sambit ni Amy.

Halos manghina ako sa narinig kong iyon. Alam kong buhay si Ardent pero para marinig na may negosasyon ay para akong maluluha sa tuwa, kumpirmadong buhay ang kaibigan ko at ang taong mahal ko.

"Nandito ngayon sina Daryl at yung mama niya. Nag-uusap usap sila ngayon." sambit niya.

"May kumpirmasyon bang hawak nila sina Ardent? Baka mamaya ini-scam lang ang mga Saavedra."

"Opo kuya, may litrato silang sinend rin."

"P-pwede ko bang makita?" tanong ko. "Pa-send naman sa messenger, oh. Gusto ko lang makita." pahina nang pahina ang pagkabigkas ko. Maging ako kasi'y hindi sigurado kung gusto ko iyong makita.

"Huwag na kuya."

"Amy, please."

"S-sige po."

Pag-end ko ng call ay chineck ko agad ang messenger ko. Pagbukas ko ng message ni Amy ay nabitawan ko rin agad ang cellphone ko at napapikit ng mata.

Hindi ko kayang matagalang tignan ang itsura niya. Duguan, puno ng pasa ang katawan at suot pa rin ang uniporme. Kumakain siya at hindi nakatingin sa camera.

Pinulot ko ulet ang cellphone ko para tignan ito. Naluha ang mata ko sa kalunos-lunos na itsura ng taong mahal ko.

"Pinapakain ka man lang ba nila nang maayos?" tanong ko. "Hintayin mo ako, baby." bulong ko.

Sa gabi ring iyon, sinabi sa akin ni Amy ang naging usapan ng mga Saavedra. Hinala ni Austin ay sangkot ang dating kalaban nila na binangga ni don Aurelius noon. Ang naging batayan nito ay ang laki ng halagang hinihingi ng mga ito at ang pananabutahe sa negosyo nila na hindi nila maharap ngayon.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon