Kabanata 8

4.2K 333 64
                                    

CONSPIRACY

Ardent

Dalawa lang kami. Tatlo sila. Hindi kami sanay sa pakikipagbasag-ulo pero sila mukhang kinalakhan yun at higit sa lahat mas malaki ang katawan nila sa'min. We tried to fight but I expected this to happen.

Pareho kaming nakahiga sa sahig at pinagsisipa-sipa ng mga taga-St. Joseph. Nang magsawa sila ay tinigilan na rin naman nila at tinawanan kami.

"Ang aangas niyo, wala pala kayong binatbat." sambit nila bago umalis.

Nang tignan ko si Carlo sa tabi ko ay nakatitig na rin ito sa'kin. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa mapangiti kami sa isa't isa. Nang narealize namin ang katangahan namin ay nagtawanan nalang kami.

Masyado kaming lanta pareho para tumayo kaya para kaming baliw na nakahiga't tumatawa sa semento sa dulo ng palengke kung saan wala masyadong tao.

"Haaay," I said when our laugh died down. "Bakit ka pa kasi sumali, nadamay ka tuloy." I asked while looking up the sky.

"Edi ikaw naman ang kawawa kung hindi ako nakihati sa bugbog?" tanong niya.

"Hindi ka naman kasi sanay sa pakikipagbasag-ulo, eh. "

"Atleast nakatulong." he said.

Ilang minuto ring katahimikan lang at puro mabibigat na buntong-hininga lang ang naririnig namin.

"Tinanggihan ka niya no?" seryosong tanong niya.

Alam ko ang tinutukoy niya. Masyado bang halatang malungkot ako o talagang kilalang-kilala niya lang talaga ang kaibigan niya?

"Oo, eh. Ayaw sa'kin." pag-amin ko.

"Paano kung may iba dyan na may gusto sa'yo?" sambit niya. Kung ako yan, hindi kita gaganunin.

Sa tanong niya, alam kong may ipinapahiwatig siya. Kaya sinagot ko rin siya nang may gustong ipahiwatig.

"Kung may tao mang may gusto sa'kin, maiging huwag na lang niyang sabihin. Dahil habang may ibang taong nakakuha ng atensyon ko, wala akong pakialam sa damdamin ng iba pang tao. At ayokong saktan ang nag-iisang taong nagkakagusto sa'kin."

Pagkasabi ko nun ay nginitian ko siya. I see it in his eyes, he's sad. But he still smiled.

You're too kind Carlo.

.

.

.

"Ano ba kasing ginawa niyo kayong mga bata kayo ha?" tanong ni Aling Esther habang nililinisan ang sugat ko.

"Aling Esther, huwag na sanang makarating 'to kay lola at baka makarating din kay papa." pakiusap ko.

"Eh kami naman ang malalagot kapag hindi kami nagsumbong."

"Ako na lang po ang magsasabi kay lola, pagdating. Sige na po please?" pagmamakaawa ko.

"Sige na po Aling Esther, hindi naman kami napuruhan." segunda naman ni Carlo na kasalukuyang ginagamot ni Amy sa kabilang upuan.

Dito na kami dumiretso dahil mas malapit to kaysa sa bahay nila. I invited him over para malinisan ang sugat niya bago umuwi. Kasalanan ko rin naman kung ba't siya nasangkot. Tsaka para malinis na rin ang konsensya ko at walang tatanawing utang na loob sa kanya.

"Ngayon lang ako makapasok dito." Carlo said when Aling Esther left us after cleaning our wounds.

"Pakialam ko? Share mo lang?" tanong ko.

"Ang ganda mo kausap kanina. Nakakainis naman 'to." reklamo niya.

"Totoo naman kasi. Anong pakialam ko kung first time mo dito?" natatawang tanong ko.

Reasons to Loathe [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon