FIRE AND ICE
Ardent
The next week, Lorenzo and I became busy for the coming exam. Prinomise kasi namin sa isa't isa na uunahin namin ang pag-aaral.
Every lunch na lang kami nagkikita at tuwing uwian dahil busy kami kaka-review at gawa na rin ng kaliwa't kanang projects na ipinapapasa ng mga teachers.
Pati sabado at linggo nga ay nagamit namin sa pag-aaral.
"Mag-group study tayo ulet sa hacienda." kung makapag-aya si Amy ay akala mo bahay niya ang tinutukoy niya.
Last week kasi, sinimulan naming mag-group study kapag naka-alala. Si Amy ang may pakana kaya ang unang bahay na nabiktima ay ang hacienda. Wala namang problema yun kay lola.
Since magkaka-grade naman kami nina Daryl at Amy, kami ang nagtutulungan. Ganun din naman kina Carlo Jhon at Lorenzo. Nagsasarili naman si Lauren pero tinutulungan rin si Luis. Si Luis nga lang ang kawawa dahil bukod sa wala siyang ka-partner ay lagi siyang binubully nina Jhon.
Pagkatapos sa hacienda ay nagsalit-salitan na ng bahay at ngayon naman ay sa hacienda ulit ang gustong pag-group studyhan ni Amy.
Lumingon ang lahat sa akin. Hinihintay kung aaprubahan ko ba ang biglaang plano ni Amy.
"Wala namang problema si lola dun." I just said.
"Yown!" sigaw ni Luis.
"Hoy bata, maiwan ka na lang sa bahay. Walang kasama si mama." pigil ni Lorenzo. "Hindi ka rin naman nag-aaral."
"Paanong hindi mag-aaral eh kinakawawa niyo ako." sagot niya.
"Luh, iiyak na. Iiyak na yan, iiyak na yan!" tukso naman nila Jhon at Carlo.
"Huy, tumigil nga kayo! Kinakawawa niyo na naman si Luis." pigil ni Amy.
Yan ang gawain naman ni Amy kapag binubully si Luis. Nagpapaka-nanay.
"O sige, kita na lang tayo sa mga Montecido mamaya." paalam ni Jhon at nauna na sila ni Carlo.
Nagpa-iwan naman si Lorenzo dahil ihahatid pa niya ako sa classroom. Habang naglalakad kami ay kaliwa't kanan pa rin ang ngumingiti at bumabati sa amin. Si Lorenzo lang naman ang bumabati pabalik. Wala naman kasi akong pakialam sa mga yan.
"Hihintayin na lang kita sa parking mamaya." sabi niya nang makarating kami sa tapat.
"Wala ba kayong praktis? Monday ngayon, ah." puna ko.
"Cancelled na ang practice. Kaya kung may gusto kang puntahan, pwede nating sadyain at maaga naman tayong aalis mamaya." sabi niya sabay paypay sa sarili gamit ang jacket na suot.
"Ang init-init na nga kasi. Tanggalin mo na nga 'to."
Nang tangkain kong tanggalin ang jacket na suot niya ay pinigilan niya ako.
"Huwag. Ano yan, ano , uh ano, porma. Yun, oo. Syempre kailangan pogi ako lagi para hindi mo ako iwan." banat niya sabay ngiti.
Hindi naman ako nakumbinsi sa sinabi niya. Simula nung Wednesday last week ay lagi siyang naka-jacket o longsleeves.
"Lorenzo, seriously. Ako ang naiinitan sa'yo." I told him.
BINABASA MO ANG
Reasons to Loathe [COMPLETE]
RomanceBecause of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The simple life, the lack of technology, the citizens, and Lorenzo. Oh, Lorenzo! The annoying and smug Lor...