Dae Eun's P.O.V
"Argggh !! Paano ko kaya 'yun gagawin? Baka nga dumistansya si Vyeil sa 'kin pag nalaman niyang gangster ako. Hayyyy." Malungkot kong sabi.
Alam kong na-curios din kayo kung ano nga ba 'yung pinag-usapan namin nung limang gangster-look-alike na 'yun. Eto kasi 'yun.
Flashback!
"Prime, ano pong ginagawa n'yo dito?" Pabulong kong sabi sa kanya.
Ayaw ko kasi na marinig ni Vyeil 'yung pag-usapan namin kaya pinauwi ko na lang siya.
"Alam mo na naman siguro 'yung ipinunta ko dito di ba?"
"Pero Prime--
"Pag di mo pa siya nakumbinsi within this week ako na mismo ang gagawa no'n at alam mo na din kung anong mangyayari sa 'yo pag nagka ganun di ba?"
"Oo Prime pero--
Tinignan niya lang ako nang masama kaya napa-oo na din ako. Wala na akong magagawa kundi ang sundin na lang siya.
"Hay! Ano ba naman 'tong klaseng buhay to oh!" Naiinis kong sabi saka nagbato ng apple dun sa pinto.
Nabigla ako nang biglang bumukas 'yung pinto at tumambad agad 'yung mukhang gulat na si Vyeil.
"Patay na talaga ako nito." Sabi ko sa sarili ko.
Vyeil's P.O.V
Papasok na sana ako sa loob nang may naramdaman akong bagay na tumama sa pinto. Binuka ko nang bahagya yung pinto para makita kung anong nangyayari sa loob. Wala naman akong nakitang ibang tao sa loob kundi si Dae Eun lang.
"Ah, Dae Eun may problema ba?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"W-wala. Wala naman. Bored lang ako dito kaya ko binato 'yung pinto. Ha-ha!"
"Tumigil ka nga d'yan, Dae Eun. Para kang sira!" Sabi ko sa kanya at saka tumawa.
Tinago ko lang 'yung takot at curiosity ko para mawala na rin 'yung heaviness sa atmosphere.
Pero di parin mawala sa pakiramdam ko na parang may itinatago siya sa akin. Pero di ko na lang 'yun iniisip sa ngayon. Baka kasi may problema lang siya kaya niya nagawa 'yun.
Sandaling napako 'yung tingin ko sa kanya nang makita ko 'yung seryoso niyang mukha. Ngayon ko lang nakita ang ganitong ekspresyon sa mukha niya.
"Vyeil, paano kaya kung malaman mong isa pala akong gangster? Lalapitan mo pa rin ba ako?"
Napatulala lang ako sa kanya dahil dun sa tanong niya. Wala akong masagap na pwedi kong isagot sa kanya kasi ako mismo di rin alam 'yung sagot.
"Paano nga kaya kung totoong gangster si Dae Eun? Paano kung saktan niya ako? Susuntukin? Sasakalin? O di kaya'y papatayin?" Para na akong mababaliw sa kakaisip----
"Vyeil! Hoy Vyeil! Ok ka lang ba?" Concern niyang tanong sa 'kin.
"A-ah, o-okay lang ako." Tsaka bahagyang ngumiti.
"Sorry kung naitanong ko 'yun sa'yo. Joke lang naman 'yun. Wag kang mag-alala." At saka niya ako nginitian.
Joke lang kaya talaga 'yun? Bakit parang hindi ako kumbinsido? Bakit parang sinasabihan ako nang utak ko na wag maniwala sa kanya?
Iniling-iling ko lang 'yung ulo ko para iwaksi 'yung nasa isip ko. At saka ko siya hinarap ulit.
"Ah, Dae Eun sabi nga pala ng doktor na pwedi ka na daw ma-discharge mamayang hapon." Pag-iiba ko sa usapan namin.
"Hayyyy, salamat naman. Bored na bored na kasi ako dito eh. Kung di ka nga bumibisita dito siguro baliw na ata 'yung gwapo mong friend na si Dae Eun." sabi niya sabay tawa nang malakas.
"Wossshhh! Ang lamig dito. May bagyo na ata? Wohhhhhhh! At parang andito lang siya sa tabi ko oh! Hohhh!" Niyakap ko pa 'yung sarili ko at nagpanggap na parang giniginaw at saka tumawa.
Bago pa ako malunod sa kayabangan ng lalaking ito, inilagay ko sa hospital bed niya 'yung notebook na pinagsulatan ko sa mga lessons namin na na-missed niya.
"Oh? Ano 'to?" Takang tanong niya.
"Notebook. Ano pa ba?" Naiinis kong sabi sa kanya.
"I know. Pero aanhin ko naman 'tong notebook na 'to?"
"Ahh! Kakainin? Ano ka ba? Malamang may nakasulat diyan kasi nga notebook 'yan." Inis na baling ko sa kanya.
Binuklat niya 'yung notebook at tinignang maigi 'yung mga nakasulat doon.
"Ah, mga notes pala." Tumango-tango lang siya at saka nagpasalamat. "Salamat, Vyeil ha?"
Nginitian ko lang saglit at nagsalita ulit.
"And'yan nakasulat sa notebook na 'yan 'yung mga lessons na na-missed mo. Ibalik mo nalang 'yan sa 'kin pag tapos mo nang kopyahin lahat ng mga nakasulat diyan." Sabi ko sa kanya.
"^___^ salamat, Vyeil. Nag-abala ka pa talaga." Nahihiyang sabi niya.
"Naku! Okay lang 'yan nuh. Ako nga dapat magpasalamat sa'yo kasi tinulungan mo 'ko dun sa gym." Ngumiti ako sa kanya nang bonggang-bongga.
Nang bigla kong maalala. De ja vu ba 'to? Parang nangyari na 'tong ganung sitwasyon ah? Tsk, shhhh.
Ewan! Wala ako sa mood ngayon para makapag-isip nang maayos. Mamaya ko na 'yun po-problemahin pag wala na akong problema.
Ilang minuto din akong nag-i-imagine nang niyugyog ni Dae Eun 'yung balikat ko nang napakalakas na halos matanggal na 'yung baga ko sa kakayugyog niya.
"Hoy! Vyeil! Uwi na daw tayo sabi ng doktor. 'Di mo ba narinig?" Pasigaw niyang sabi.
"Huh? Andito kanina 'yung doktor? Ba't di ko napansin 'yun? Hay! Vyeil. Dami mo pa kasing pinag-iisip kahit di naman importante. Hayyy". Pagsaway ko sa sarili ko.
Tinulungan ko na lang si Dae Eun na ligpitin 'yung mga gamit niya.
Pagkatapos naming magligpit ay umuwi na kami kaagad.
----------------------------------
Oh yeah! Another lengthy chapter :DSabi ko kasi sa inyo inspired ako. Hayaan niyo na ako pwedi? Hehehe
Oh sya vote na po at mag-comment okay?

BINABASA MO ANG
The Revenge Of The Campus Nerd
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na binubully sa school nila. Naisipan niyang maghiganti sa lahat ng mga nang-away sa kanya. Lalong-lalo na sa lalaking palaging nang-bully sa kanya. Paano kaya niya gagantihan ang mga iyon? Maisasakatuparan...